Cainta namigay ng ‘gulay ayuda’ para sa mga naka-home quarantine

  • Namahagi ang lokal na gobyerno ng Cainta ng mga gulay para sa mga naka-home quarantine dahil sa COVID-19
  • Sa pamumuno ni Mayor Kit Nieto, nag-iikot ang kanilang COVID sustenance team para mamahagi ng gulay para sa mga pasyente
  • Ayon pa kay Mayor Kit, huwag naman daw sana mainggit ang ibang resident at kailangan unahin ang mas nangangailangan

Namahagi ng gulay ang tanggapan ni Cainta Mayor Kit Nieto sa mga kababayang naka-home quarantine matapos tamaan ng COVID-19.

Image by Johnielle Keith Nieto via Facebook

Sa panahon ng pandemya ay pinaalalahanan ulit ni Mayor Kit na dapat nating palakasin ang ating katawan at patibayin ang ating resistensya. Isa sa mabisang paraan upang mapanatiling malusog ay ang kumain na gulay. Kaya naman, naghanda sila Mayor Kit ng mga gulay para sa mga naka-home quarantine sa kanilang lungsod.

“Para sa mga nakahome quarantine ito dahil sa covid. (‘yung sana all, ‘wag niyo munang gamitin kasi tulong natin ito sa mga may covid at sa pamilya nila),” paglilinaw ni Mayor Kit.

Dagdag pa ng alkalde, huwag daw umano mainggit ang ibang mga residente at talagang kailangan unahin ang mga pasyente dahil hindi naman sila nakakalabas ng bahay.

Image by Mayor Kit Nieto via Facebook

“Iikot ang COVID sustenance team natin dahil mas hirap ang mga pasyenteng kumalap ng pagkain dahil maraming sarado at di rin naman sila makalabas. Chill lang Cainta,” ani pa ng alkalde sa kanyang post.

Mukha namang naintindihan ng mga resident ang paliwanag ni Mayor Kit at umani pa ng maraming papuri mula sa netizens.

Sabi na ng isang netizen, “Maraming Salamat po mayor Johnielle Keith Pasion Nieto ,ingat po lagi at sa lahat ng nag-aasikaso at nagdadala ng food para sa mga COVID patient. Mag-iingat po kayo lagi at maraming3x Salamat po sa inyo. God bless you all.”

Dagdag naman ng isang netizen, “Hindi po ako magsasabi ng ‘sana all’ mayor dahil ayoko magka-covid. Salamat po sa inyong pagtulong sa mga nangangailangan.”