Netizens pinag-iingat si Yam Concepcion kay Gerald Anderson

  • Ilang mga netizens ang nagpahiwatig ng pag-aalala para kay Yam Concepcion
  • Si Yam at Gerald Anderson ay magkatambal sa bagong romance teleserye na “Init Sa Magdamag”
  • Ani pa ng iba na baka magkatuluyan si Yam at Gerald pagkatapos ng kanilang palabas

Hindi napigilan ng ilang mga netizens na ibahagi ang kanilang pag-aalala para kay Yam Concepcion ngayon na magkatambal sila ni Gerald Anderson.

Image Capture of Video by Gerald Anderson via Instagram

Si Yam ang bagong leading lady ni Gerald sa kanilang upcoming romance teleserye sa ABS-CBN na “Init Sa Magdamag.” Makakasama ni Yam at Gerald si JM de Guzman.

Sa Instagram ni Gerald, ibinahagi ng aktor ang trailer ng kanilang teleserye upang imbitahan ang mga viewers na abangan ito.

Ani pa ni Gerald, “Are you ready for the heat that you can’t resist? Abangan ang FULL TRAILER PREMIERE ng #InitSaMagdamag this Thursday, March 18 sa FPJ’s Ang Probinsyano sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC, A2Z Channel 11 at TV5!”

Dahil sa ilang eksena nina Yam at Gerald, hindi napigilan ng ibang netizens na magbigay ng iba’t ibang reaksyon. Sa mismong comment section ng post ni Gerald ay napuno ito ng komento na pinag-iingat si Yam sa kanyang leading man.

“Humanda na si Yam Concepcion,” komento ng isa.

“After ni JB magkakaroon naman ng Yamyam,” dagdag pa ng isang netizen.

“Abangan ang yamyam sa buhay ni Ge #ghostingcomingsoon,” sabi pa ng isa.

“Kabahan ka na Julia B! @juliabarretto,” komento ng netizen na talagang naka-tag pa ang nobya ni Gerald na si Julia Barretto.

Pagbibiro naman ng isang netizen, “Alam na pagkatapos nitong palabas na ito, after 2 years, sila naman ni Yam Concepcion.”

Image by Gerald Anderson via Instagram

Samantala, meron rin namang mga fans si Gerald na dumepensa sa aktor. Ani pa ng isa, “Magtigil nga kayo at hindi naman ganyan si Gerald.”

Matatandaang bago lamang inamin ni Gerald na nobya na nga niya si Julia, na kanyang nakatambal sa pelikulang “Between Maybes”.