Love is in the air: Magkasintahan ikinasal habang nasa flight papuntang Caticlan

  •  Ikinasal ang dalawang flight attendant sakay ng isang flight patungong Caticlan
  • Anila, noon pa man ay pangarap na nilang ikasal sa ere, kung saan nagsimula ang kanilang love story
  • Pagkatapos ng seremonya sa aircraft ay dumiretso na sila sa isang 5-star hotel sa Boracay kung saan ginanap ang kanilang reception

Literal na love is in the air para kina Kristoffer Rustia at Micah Cura na ikinasal kamakailan habang nasa flight papuntang Caticlan.

Imahe mula sa Air Asia

Kapwa mga flight attendant sina Kristoffer at Micah kaya naman noon pa man ay pangarap na nila na maikasal sa ere. “As crazy as it may seem, I envisioned Micah walking down the aisle in one of our flights wearing her lovely gown, not her cabin crew uniform,” ani Kristoffer, ayon sa Air Asia.

Aminado sila na tila imposible ito kaya naman laking tuwa nila nang pumayag ang management na idaos ang kanilang wedding ceremony sa aircraft.

Nitong Biyernes lamang, sakay ng Air Asia Flight Z2 225 papuntang Caticlan, ay nakapagpalitan sila ng “I Dos” sa harap ng kanilang mga mahal sa buhay sa taas na 30,000 feet.

Imahe mula sa Air Asia

Topy and I are grateful beyond words. It’s one thing to get married; it’s another to fulfill that dream in a place where we started our journey together—inside the aircraft,” sabi naman ni Micah.

May mensahe rin si Micah para sa mga may pinagdaraanan ngayong pandemya. “Our prayer is that we are able to inspire people to just hang on and never lose hope because there are still many things to be thankful for, despite the many challenges brought by the pandemic.”

Hindi rin nila nakalimutang sundin ang mga protocol kagaya ng pagsusuot ng face mask at face shield.

Matapos ang kasal ay dumiretso na sila sa isang 5-star hotel sa Boracay para sa kanilang reception.

Congratulations and best wishes sa bagong kasal!

Source :

Air Asia