Sunshine Dizon sa aral ng ‘Magkaagaw’: “Pamilya ipaglaban, ‘wag magpapatalo sa kabit”

  • Kinuwento ni Sunshine Dizon ang aral na natutunan niya sa TV show nilang “Magkaagaw”
  • Ani pa niya, dapat umanong ipaglaban ang pamilya at huwag hayaan na manalo ang mga mang-aagaw
  • Pareho namang sinang-ayunan ito ni Dion Ignacio at Polo Ravales

Ibinahagi ni Sunshine Dizon ang leksyon na maaaring matutunan ng mga viewers ng kanilang TV show na “Magkaagaw.”

Image by Sunshine Dizon via Instagram

Natawa na lamang si Sunshine nang kanyang kinuwento ang dapat umanong matutunan ng mga babae sa show nilang “Magkaagaw.” Ani pa niya ay dapat umano marunong lumaban ang mga asawa at huwag magpatalo sa mga nang-aagaw.

“That family is very important, na hangga’t puwede mo pang ilaban para mabuo yung pamilya mo, kailangan mong ilaban iyon. At ‘wag magpapatalo sa mga kabit,” ani ni Sunshine.

Nang matawa ang kanyang co-actor na si Dion Ignacio, may dagdag pang hirit si Sunshine. Sabi niya, “Ba’t ka natatawa, Dion? Bakit ka tumatawa? Totoo naman, di ba? Hindi ka pwedeng magpatalo sa kanila kasi matutuwa sila.”

Sa GMA drama show na “Magkaagaw, ” kasama ni Sunshine si Dion, Sheryl Cruz, Jeric Gonzales, Polo Ravales at Klea Pineda.

Si Polo rin ay nagbigay ng kanyang opinyon at sinabing dapat rin hindi nambababae. Sabi niya, “Para naman sa side ng lalaki, siguro wag ka na lang mambabae kapag may asawa ka na, kasi magiging magulo ang buhay mo, di ba?

Image by Sunshine Dizon via Instagram

“Yung family, given naman talaga ‘yan. Sa marriage world, parang talagang magugulo ang pamilya mo pag nambabae ka, e. So, iwasan mo na lang,” dagdag pa niya.

Dagdag rin ni Dion na mabuting huwag matukso at magkamali.

Ang sabi niya, “Nasa diyamante ka na, ‘wag ka nang pumunta sa bato. Kumbaga, nasa magandang pamilya ka na, ‘tapos nambabae ka… Ako, sa ngayon may pamilya na ako. Tingin ko, pag nambabae ka, sakit sa ulo. Mai-stress ako, agad akong tatanda.”