Raffy Tulfo ipinasilip ang sabay na ipinapagawang 4-storey house at rest house sa probinsya

  • Ipinakita ni Raffy Tulfo ang pinapagawang bahay sa Quezon City at rest house sa probinsya
  • Ani niya, hindi naman daw siya nagmamadaling matapos ang mga ito dahil masaya siyang maraming nabibigyan ng trabaho
  • Ang kanyang ipinapagawang bahay sa Quezon City ay apat na palapag samantalang 7,000 sq meters naman ang lupa ng kanyang rest house

Ipinasilip ni Raffy Tulfo ang kanyang pinapagawang bahay at resthouse.

Image Capture of Video by Raffy Tulfo in Action via Youtube

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Tulfo ang kanyang pinagkakaabalahang mga property. Una niyang ipinakita ang kanyang pinapagawang 4-storey house sa Quezon City. Ayon sa kanya, dalawang taon na niyang pinapagawa ito at hindi naman siya nagmamadali dahil alam niyang marami siyang nabibigyan ng trabaho.

“2 years na po ito ginagawa, dahan dahan nga lang. Hindi naman po ako nagsisisi dahil marami akong napapasaya. Marami akong natutulungan along the way. Mas importante sa akin yun, ‘yun bang makakatulong tayo. Marami tayong napapasaya, natutuwa sa ginagawa natin. At the same time dahan-dahan napapasaya ko yung sarili ko dahil may napupuntahan naman yung kinikita ko, pinag papaguran ko,” ani pa ni Tulfo.

Dagdag pa niya ay hindi ito agad matapos dahil kasabay niya itong pinapagawa sa kanyang rest house sa probinsya. Ani pa ni Tulfo, okay lang kung ma-delay ang construction at masaya siyang dalawa ang kanyang pinagkakaabalahan.

Image Capture of Video by Raffy Tulfo in Action via Youtube

“Kinoconstruct to at the same time tumutulong naman tayo. So, okay lang na ma-delay to dahil para sa akin mas kailangan ng mga taong lumalapit sa akin ang aming tulong. So merong mas nangangailangan pa kaysa sakin,” kwento niya.

Pagkatapos ay pinakita naman ni Tulfo ang kanyang malawak na resthouse sa probinsya. Ito umano ang magiging bahay-bakasyunan nila ng asawa niyang si Jocelyn.

Ani niya, “Dito kami ngayon ni Jocelyn sa pinapagawa naming rest house dito sa probinsya. Ginagawa palang po yan, kababakod lamang. So bale 7,000 sqm po ito. Malaki kumpara doon sa bahay namen sa Quezon City pero rest house naman po kasi ito.”

Maaaring mapanood ang vlog mula sa YouTube channel ni Raffy Tulfo:

Source :

YouTube