Netizen nanawagan para sa matandang candy vendor sa LRT: “Bili kayo kay Tatay”

  • Nanawagan si Kym Manalaysay ng tulong para kay Tatay Jacinto, isang candy vendor sa LRT Tayuman
  • Ani niya, si Tatay ay may sakit ngunit nagsusumikap na kumita ng pera
  • Sa halagang P20 ay makakabili ka na ng apat na pirasong candy na si Tatay Jacinto ang may gawa

Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang naramdaman nang makita niya ang isang matandang candy vendor sa may LRT.

Image by Kym Manalaysay via Facebook

Sa Facebook, ikinuwento ni Kym Manalaysay kung paano siya nahabag nang makita niya ang isang matandang vendor sa may LRT Tayuman Station. Nanawagan si Kym na sana ay matulungan ang candy vendor na si Tatay Jacinto. Sa kanyang edad ay naglalako siya ng kanyang mga gawang candy sa halagang Php 20 kada apat na piraso. Naawa si Kym dahil dinadaan-daanan lamang ito ng mga tao.

Ayon kay Kym Manalaysay, si Tatay Jacinto ay may sakit na diabetes at ang iniinom nitong gamot ay Metformin. Nagtitinda ito tuwing Lunes hanggang Linggo mula 9am – 11am at 3pm – 5pm doon sa Tayuman.

Image by Kym Manalaysay via Facebook

Humingi ng tulong si Kym na kung makita nila si Tatay Jacinto ay bumili sila ng kanyang gawang candy. Aniya, “For 20 pesos, 4pcs na candy, siya mismo may gawa. Please buy kayo, kapag napadaan kayo malaking tulong na ‘yung 20 pesos kay tatay para sa pang araw araw na need niya, ‘di natin need maging mayaman to help.”

“Matanda na si tatay pero nagsisikap pa din magtinda para sa ikakabuhay ng pamilya, please support him,” dagdag pa ni Kym.

Para sa mga gusto magbahagi ng tulong, nagbigay ng dagdag impormasyon si Kym tungkol kay Tatay Jacinto. Sabi niya ay nakikita si Tatay sa LRT Tayuman (going to Monumento) sa may King’s Bakery.

Source :

Facebook