Mayor Isko: Sa Maynila puwedeng-puwede maging ‘choosy’ sa bakuna

  • Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, puwedeng mamili ang mga manileño ng brand ng bakunang mas gusto nila
  • Ito ay matapos unang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na dapat hindi maging “choosy” ang mga Pinoys sa bakuna laban sa covid-19
  • Hinikayat rin ni Mayor Isko ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 

Ipinahayag na ni Manila Mayor Isko Moreno na ang mga manileño ay puwede maging “choosy” sa pagpili ng bakuna nila laban sa COVID-19.

Image Capture of Video by Manila PIO via Facebook

Sa gitna ng kontrobersya matapos sabihin ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi puwede mamili ang mga Pilipino ng bakuna laban sa COVID-19 na ibibigay sa kanila, sinabi ni Mayor Isko na dapat may karapatan tayong pumili.

Ani pa ni Mayor Isko, sa siyudad ng Maynila, ang mga tao ay bibigyan ng pagkakataon na pumili ng brand ng bakuna na mas gusto nila.

“Puwede ba maging choosy sa Manila? Puwedeng puwede, ” kuwento pa ni Mayor Isko sa interview niya sa DZRH.

Dagdag pa niya, may kalayaan ang lahat na pumili sapagkat kapag nabigyan ka ng bakuna ay hindi na ito puwedeng bawiin.

“Everybody will be given opportunity to choose. Malaya. Sapagkat hindi natin pupwedeng isubo ‘yung kaning mainit na iluluwa lang ng tao,” ani ni Mayor Isko.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng lokal na gobyerno ng Maynila na pumirma na sila sa isang kasunduan kasama ang British-Swedish biopharmaceutical company AstraZeneca upang bumili ng 800,000 COVID-19 vaccines. Nilinaw naman ni Mayor Isko na bibili pa sila ng dagdag na bakuna mula sa iba pang pharmaceutical companies.

Samantala, patuloy ang paghikayat ni Mayor Isko sa publiko na huwag matakot sa bakuna at maniwala sa mga programa ng gobyerno laban sa COVID-19.

Image by Mayor Isko Moreno via Facebook

“While it is true na mayroon tayong mga agam-agam, we will continue to believe in the system and we will act in synchrony with the national government,” ani ni Mayor.

“Labanan natin ‘yung fear kasi pinangarap natin ‘tong lahat, pinangarap natin na dumating na ‘yung bakuna,” dagdag pa niya.

Source :

Facebook