Alden Richards ido-donate ang napanalunan sa ‘Bawal Judgmental’ sa fan na may karamdaman

  • Nais na ibahagi ni Alden Richards ang kanyang napanalunan na P45,000 sa “Bawal Judgmental” sa kanyang fan
  • Ayon pa kay Alden, matindi ang pinagdadaanan ng kanyang fan at gusto niyang makatulong
  • Biniro pa ni Alden si Bossing Vic Sotto na bibigyan naman kasi siya umano nito ng pa-birthday

Ido-donate ni Alden Richards ang kanyang napanalunan sa ‘Bawal Judgmental’ sa kanyang fan.

Imahe mula sa Facebook account ni Alden Richards

Ipinagdiwang ni Alden ang kanyang kaarawan sa paglalaro sa ‘Bawal Judgmental’ ng Eat Bulaga. Bilang guest player, nanghula at kinilatis ni Alden kung sino ang tunay na batang entrepreneur na nagsimulang magnegosyo noong ito’y 21 taong gulang pa lamang. Sa huli, nanalo si Alden ng P45,000.

Pero imbes na tanggapin ang premyo, naisipan ni Alden na ibahagi na lamang ang pera sa isang fan niya na may sakit. Pahayag pa ni Alden kay Bossing Vic Sotto, Bossing, puwede pong mag-request?

“‘Yung nakuha ko pong pera dito, ido-donate ko po sana doon po sa isa kong fan na Aldenatics, si Elani Roldan na cancer patient po,” pagpapatuloy niya.

Ikinuwento pa ni Alden ang paghihirap na pinagdaanan ng kanyang fan at ang kagustuhan niyang makatulong sa kahit anong paraan.

“Doon ko na lang po ibibigay ‘yung premyo,” sabi pa ni Alden.

Biniro pa ni Alden si Bossing Vic na okay lang sa kaniya ibigay ang premyo dahil alam daw niya na bibigyan siya nito ng pa-birthday.

“Kasi alam ko naman po, Bossing, bibigyan n’yo rin po ako ng [regalo] eh. Dadaan na lang po ako sa Alabang mamaya,” biro ni Alden.

Sumagot naman sa biro si Bossing Vic at sinabing baka makatulong pa si Maine Mendoza. Ani niya, “Sana gumaling ‘yung fan mo. Padadalhan natin, baka dagdagan pa nga ni Maine ‘yan eh.”

Imahe mula kay Alden Richards sa Instagram

Samantala, ipinagdiwang ni Alden ang kanyang ika-29 kaarawan kasama ang kanyang pamilya. Ani pa niya, “Thank you Lord for another year. Enjoying my birthday with the people who matter most.”

Source :

GMA, Facebook