Mga batang namamasko, nag-ambagan para makakain ng pizza sa araw ng Pasko

  • Dalawang bata ang nag-ambagan para makakain ng masarap na pizza sa araw ng Pasko
  • Ani pa ng staff, mukhang pagod pa ang mga bata galing sa pamamasko
  • Maraming netizens ang naantig sa litrato ng mga batang masayang kumakain

Dalawang bata ang umantig sa puso ng mga netizens matapos silang makunan ng litrato habang kumakain ng pizza.

Imahe mula sa Pizza Pan Out via Facebook

Para sa marami sa atin, ang pagkain ng pizza ay tila parang ordinaryong bagay na lamang. Ngunit ang totoo, marami pa rin ang kailangan pa magbilad sa araw, mag-ipon at mag-ambagan para lamang makatikim ng masarap na pagkain na ito. Ito ay naisip ng maraming netizens noong naging viral ang litrato ng dalawang batang masayang kumakain ng pizza sa araw ng Pasko.

Matapos ang mahabang araw ng pamamasko, ang dalawang bata ay nakitang masayang pumasok sa isang pizza place upang makakain ng masarap.

Ayon sa post ng Pizza Pan Out sa Facebook, naantig ang kanilang staff nang makita ang dalawang bata na nag-ambagan pa at nagbibilang ng kanilang barya para makabili ng pizza.

Nagtanong pa umano ang mga ito sa staff kung anong pizza ang kasya lamang sa perang dala nila.

Ayon sa post, “These kids melt our hearts. Galing siguro silang pamamasko and they came to Muzon shop, asking “Ano pong pwede namin bilhin o kasya sa pera namin, yung pinaka mura po?” They ordered Ham bacon and cheese 8inch our smaller size, they counted their money outside, nag aambagan sila and asked for milktea kaso wala na daw silang pera so small bottle of soft drinks na lang. ”

Imahe mula sa Pizza Pan Out via Facebook

Bilang aginaldo, hindi na rin napigilan ng staff na mag-ambagan upang iupgrade ang pizza size ng mga bata.

Pagpapatuloy ng post, “And our staff decided mag-ambag to upsize their order to 12inch as a Christmas gift. They enjoy eating outside at halos di nila maubos ang dami daw but they did. So sweet. Thank you kids for coming at pag-ipunan para maka try kayo ng pizza namin. Till next time merry Christmas.”

Source :

Facebook