That’s my Tatay! Pagtuturo sa Math, ginamitan ng Mobile Legends

  • Isang netizen ang ginawan ng paraan na mapadali ang pagtuturo sa isang bata
  • Gamit ang mga characters sa online game na Mobile Legends, itinuro niya sa kanyang anak ang tamang paggamit ng Mathematics symbols
  • Tila naka-relate ang marami kaya umabot na sa libo-libong comments, shares at reacts ang nakuha ng uploaded video na ito

Isang netizen ang ginawan ng paraan na mapadali ang pagtuturo sa isang bata. Gamit ang mga characters sa online game na Mobile Legends, itinuro niya sa kanyang anak ang tamang paggamit ng Mathematics symbols na less than, greater than at equal.

Sa Facebook post ni Romnick Tan Bathan ay makikita ang isang bata na tinuturuan ng isang lalaki kung paano gamitin ng tama ang mga simbolo sa Math. Maririnig sa video kung paanong ang mga characters at levels ng larong Mobile Legends ay naging malaking tulong para mas maging madali na maintindihan ng bata ang kanilan g pinag-aaralan. Nilagyan pa ng cation na “GANITO MAGTURO ANG PAPA SA MGA BATA NGAYON.”

Imahe mula sa Facebook| Romnick Tan Bathan

Ang video ay ni-repost naman sa page na Fumiya and YamYam at nilagyan ng caption na, “Labas jan ang nagsasabing nakaka sira ng pag aaral ang pag ML. Panoorin niyo to.”¬†Ang post na ito ay nakatawag ng pansin ng social media users, at umabot na din sa mahigit 80K shares, mayroon na din itong halos 170K reacts at libo-libong comments. Marahil ay marami ang naka-relate nang mapanood ang video na ito.

Ayon pa ng sa komento ng isa na tila isa ding gamer, “Pwede ka nang mag tayo ng school mo bro Ng ml.. Saludo ako sa pagtuturo mo.. Hahaha.

Imahe mula sa Facebook| Mobile Legends: Bang Bang

Sa mga panahong musmos pa ang isip ng mga kabataan, humahanap talaga ng paraan ang mga nakakatanda upang mas madaling maipaintindi sa kanila ang mga aralin. Kailangang maintindihan ng mga bata ang mga lessons sa paraang alam nila. Dahil dito kailangang pumunta ang matatanda sa level ng bata. Mag-isip na parang isang bata upang maintindihan sila at upang mas maging madali ang komunikasyon.