Salute! Construction worker matiyagang sinasagutan ang kanyang module tuwing break time

  • Sinaluduhan ng netizens ang isang construction worker dahil sa kanyang kasipagan
  • Marami ang bumilib sa kaniyang determinasyon na makapag-aral habang nagtatrabaho
  • Ang kanyang larawan na ini-upload ng isang netizen ay hinangaan at nagsilbing inspirasyon sa marami

Isang construction worker ang sinaluduhan ng netizens dahil sa kahanga-hangang sipag nito. Ang construction worker na ito ay umaagaw ng oras sa kanyang break time sa kanyang pinagtatrabahuhan para masagutan ang kanyang module.

Ayon sa post ng netizen na si Rael Jr Rael ay dala nito ang module sa trabaho at tuwing break time niya sa pinagtatrabahuhang construction site ay doon siya nagsasagot ng kanyang module.

Imahe mula sa Facebook| Rael Jr Rael

Papuri ang ipinaabot ng mga netizens sa sipag at tiyagang ipinakita ng estudyanteng ito. “Very Impressive. To those who are wasting their time..for him time is Gold, time is valuable. Students, make him an inspiration to your future and success in life. HE IS A GOOD EXAMPLE,” pahayag ng isang netizen.

“Wow!!!May pangarap ang batang ito,at mararating niya ang kanyang pangarap dahil sa nakikita ko. Good job boy,” tugon naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook| Rael Jr Rael

Samantala, isang netizen naman ang humanga at nanawagan din sa pamahalaan na sana ay mapansin ang lalaking ito at mabigyan sana ng scholarship ng pamahalaan,

Tama lang naman na mapansin ang ganyang mabuting gawain. Sa kanyang murang edad mayroon na siyang positibong pag-iisip. Hindi madaling magtrabaho tulad ng construction dahil mabibigat ang mga gawain nito. Ang mga ganyang tao, interesadong mag-aral ay yun sana ang bigyan ng scholarship ng anumang ahensya ng ating pamahalaan. Dahil ang iba diyan, kayang makapag-aral ng tuwid ay sila pa yung mga ayaw mag-aral ng tama. Sana maging modeloka sa mga batang nag-aaral din upang sa ganon magkaroon ng magandang kinabukasan sa hinaharap. Malay natin kung mabigyan siya ng libreng pag-aaral ng ano mang sektor ng ating gobyerno ay walang balakid na makakapagtapos dahil malawak ang kanyuang kaisipan. Soon to be engineer!