Pamana ni Mama: Sulat ng namayapang ina para sa mga anak, may nakaaantig na mensahe

  • Isang nakaaantig na mensahe mula sa namayapang ina ang natanggap ng kanyang mga anak
  • Kalakip ng mensahe ang kanyang pamana para sa kanyang tatlong anak
  • Ang sulat na ito ay umantig hindi lamang sa magkakapatid kundi pati na rin sa social media; patunay lamang ito kung gaano kadakila ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang mga anak

Isang nakaaantig na sulat mula sa namayapang ina ang umantig hindi lamang sa mga kamag-anak niya kundi pati na rin sa social media. Sa post ni Tim Salonga noong September 24, 2020 ay isinalaysay niya ang pagkakadiskubre nila sa liham na kalakip ang pamana ng kanilang ina.

My mom’s last wish. It started yesterday, September 23, 2020. It was my Ate Heka’s birthday. Never in my life would have I imagined that I will witness this kind of heartwarming love. My mom died 4 years ago, and yet we received something special from her yesterday. I thought I could only see this in movies or dramas pero kame mismo na experience namen ito. So many things happened unexpectedly and I can’t thank the Lord enough and I know this is His will,” kuwento ni Tim sa kanyang post.

Imahe mula sa Facebook| Tim Salonga

Bawat larawan na ini-upload niya ay may kuwento,

Habang nag cecelebrate kame, napag isipan ng mga tita ko tumingin ng old pictures para mag balik tanaw. Habang tumitingin kame sinabi ni Ate sa mga tita ko, “iuwi nyo na ibang damit ni mama dito”. Habang tinatanggal nila sa hanger yung mga damit napansin nila itong damit na ito baket nakatago pa sa loob ng dalawang damit. May bulsa tsaka lumang luma na. Tapos may napansin sila sa loob ng bulsa.”

Dagdag niya, nakita ng kaniyang mga tiyahin ang “5,000php, tatlong singsing at isang pares ng hikaw, at sulat.” Ang sulat ay mula sa kanyang ina.

Ito ang mababasa sa sulat, “Para sa pag aaral ni Tim, Hazel, Herica ang perang ito. Gagamitin nila ito sa pang negosyo nila at paramihin nila ang konting pamana kong ito sa kanila at may 3 singsing ito at isang pares ng ikaw (hikaw). Paunlarin ninyo ang konting pamana ko sa inyo. Salamat mga anak. Mama”

Imahe mula sa Facebook| Tim Salonga

 

Ayon pa kay Tim ay hindi nila nabasa nang maayos ang sulat na nasa likod ng papel, ngunit nang basahin nila itong muli ay ganito ang nakasaad, “Tinago ko ito sa makina sa ilalim nya. Kung sino man ang nakakita nito ay ibigay nyo sa mga anak ko. Wag nyong kunin ang hindi para sa inyo.

Matapos ito ay naisip umano ng kanilang  ate na kunin at buksan ang lumang makina ng kanilang ina na muntik na umano nilang ipakalakal noon.

Imahe mula sa Facebook| Tim Salonga

Eto yung bumungad samen. Passbook at cash. Di ko lubos isipin na magagawa ni mama ‘to. Sobrang selfless nya ni hindi ko man siya nakitang bumili ng mga luho nya na hanggang ngayon kame pa din ng mga ate ko inisip nya. Ni isa sa amen walang nakakaalam na may ipon si mama. Thank you Lord ginabayan mo kameng makita yung huling pamana ni Mama para sa amen, gagamitin namen ito sa paraan na gusto ni Mama. Salamat Ma, Salamat Lord. Isa sa mga magandang nangyari samin ngayong 2020,” pagsasalaysay ni Tim.

Patunay lamang ang istoryang ito na dakila ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang mga anak. Ang isang ina ay gagawin ang lahat para lamang sa ikabubuti ng kanyang mga mahal sa buhay.