Palitan ng komento tungkol sa paalala ng DepEd sa mga magulang, kinaaliwan

  • Kinaaliwan sa social media ang palitan ng komento ng mga mgulang tungkol isang news write up
  • Agad na nag-viral ang screen shots ng nakatutuwang palitan nila ng komento
  • Ang post na ito ay nilagyan pa ng caption na, “Dapat yung mga magulang na lang talaga naka-enroll”

Kinaaliwan sa social media ang palitan ng komento ng mga magulang tungkol isang news write up patungkol sa paalala  ng Department of Education na huwag sagutan ng mga magulang ang module ng kanilang mga anak.

Sa post ng Facebook user na si Ebel Mendoza, “Nakita ko lang HAHAHAHHA. ALIW !” Ganito ang caption niya sa mga screen shots ng palitan ng komento ng mag magulang.

Ayon sa isa, “Nagyon na nga lang magiging first honor ang anak ko hinahadlangan nyo pa,” na sinagot naman ng isa ng, “sigurado ka ba mas magaling ka sa ibang magulang?

Imahe mula sa Facebook| Ebel Mendoza

At isa pa ang sumali din sa palitang ito ng komento, “patalinuhan ng magulang ang labanan.”

Ngunit hindi naman nagpatalo ang isa pang magulang na may pangarap din daw para sa kanyang anak, “ haha… hwag kang pakampante, hindi rin ako papayag na hindi magiging 1st honor ang anak ko. Matagal ko na tong pangarap sa anak ko at ngayon lang ako nagkakaroon ng pag-asa.”

Pumatok sa social media ang mga palitang ito ng komento ng mga  magulang at agad naman na nag-viral. Dagdag pa ni Ebel sa kanyang post, “Dapat yung mga magulang na lang talaga naka-enroll.”

Imahe mula sa Facebook| Ebel Mendoza

Samantala, may isa naman na tila emosyonal ang komento, “Kawawa mga magulang na walang pinag aralan at di marunong magbasa” na may punto nga naman kung ang kakayahan at talino ng magulang ang magiging batayan ng pagpasa ng mga estudyante ay tiyak na dehado ang mga magulang na hindi pinalad makapag-aral.

Ngunit sa kabila ng mga komentong ito na masasabi nating Pinoy humor, iisa lamang ang talagang nais ng mga magulang — ang maibigay ang the best para sa kanilang mga mahal na anak. Wala nama sigurong kokontra dito ano?