Pagbili ng matandang lalaki ng tie-dye shirt para sa kanyang sarili hinangaan

  • Isang matandang lalaki ang viral ngayon sa social media matapos na mai-upload ng isang netizen ang kanyang larawan sa Facebook habang nagbibilang ito ng baryang ipambibili niya ng damit
  • Apat na raang piso ang inilabas ng matanda bilang pambayad 
  • Naantig naman ang uploader ng larawan na siya ding tindera sa bilihan ng damit dahil hindi man lang daw tumawad ang matanda kung kaya’t pinapili niya ito ng isang free tshirt  

Isang matandang lalaki ang viral ngayon sa social media matapos na mai-upload ng isang netizen ang kanyang larawan sa Facebook habang nagbibilang ito ng baryang ipambibili niya ng damit.

Sa kuwento ng Facebook user na si Paulee Dagandan, sinabi daw ng matanda na gusto nito ng tie-dye shirt (isang likhang sining na gumagamit ng rubber band bilang pantali at dye o tina na siyang nagbibigay ng kulay sa nakataling parte ng tela). At matapos daw ito agad namang binilang ng matanda ang kanyang pera.

Hindi man lang daw tumawad ang matanda na siya namang nagpahanga kay Paulee kaya’t pinapili niya ito ng isang free tshirt.

Imahe mula sa Freepik

Si manong gusto ng tiedye daw. Nagulat ako naglabas ng puro barya para ibayad. Worth 400 pesos. Kita niyo yun? di siya nag atubili tumawad sa tiedye. Naglabas agad ng pera at nagbilang. Para kong naguguilty na ewan. Kaya pinapili ko pa siya ng isang free tshirt. Sabi niya gusto niya daw ng bagong tshirt, kaya bumili siya. huhu…  Tapos kayo, ang lalakas niyo tumawad kesyo madali lang tong gawin. Sana all tulad ni Tatay,” pahayag ni Paulee.

Imahe mula sa Facebook| Paulee Dagandan

Samantala, ang post na ito ni Paulee ay agad namang nag-viral. Marami ang humanga sa matanda kabilang na ang mismong uploader ng larawan.

Awww! Sweet nyo pareho. Bless you more! Ito ang masarap sa isang buyer. Hindi mahirap kausap. Hindi ka ihahaggle. Ikaw mismo magbibigay ng free kasi HINDI nya iisiping pinagkakaperahan mo lang sya.” komento naman ng isang netizen.

Ang isa naman ay na-aappreciate ang ginawa ng matanda, “Si manong, alam na pinaghirapan yung damit. Grabe, nakakatuwa.”

Mayroon din na nagsabing siya na ang bahala kung sakali umanong babalik sa tindahan ang matanda at bigyan ulit ito ng damit na gusto nito.

Nakabibilib at kahanga-hanga ang mga tao na sa kabila ng kanilang edad ay nagsusumikap pa rin upang mabili ang kanilang gusto. At nakakatuwang isipin na nakapagbibigay inspirasyon pa rin sila sa maraming tao kahit sa simpleng gawa lamang nila.

Kaya naman marapat lamang na patuloy na ipadama at ipakita sa mga nakatatanda ang respeto at pagmamahal dahil sila ay maituturing na yaman at biyaya ng Panginoon para sa makabagong henerasyon.