New Normal panliligaw 101: Paano magpakilig ng teacher?

  • Malayo pa ang Valentine’s pero trending na ang post ng isang social media user “Paano magpakilig ng teacher?”
  • Tila nalaos ang chocolates at flowers sa post na ito na sinang-ayunan ng marami
  • Sa shares at comments na karamihan ay teachers, dinagdagan pa ang suggestion, “samahan na rin ng printer”

Malayo pa ang Valentine’s pero trending na ang post ng isang social media user “Paano magpakilig ng teacher?”

Sa post ni Jotham Balonzo, isang simpleng larawan ang agad na nag-trending. Sa post na ito ay tila ba nalaos ang tradisyunal na chocolates and flowers tuwing aakyat ng ligaw.

Patok na patok sa mga netizens at tila madami ang naka-relate. Sa kanyang post ay makikita ang larawan ng isang set ng printer ink at isang ream ng bond paper na may caption na “Paano magpakilig ng teacher?

Imahe mula sa Facebook| Jotham Balonzo

Marami ang nag-comment at tila mga teachers ang karamihan. Ayon sa isa, “Hahaha! Pwede rin yung taga sort-stapler-print ng modules ko…” na sinundan pa ng tatlong heart icons. Naku, nagpaparinig na si Ma’am.

Mayroon din naman na nakakita ng business opportunity, “Ohh sino gusto magpakilig jan. Hahaha punta lang kayo sa RALM Trading at pwede kayo omorder free deliver pa.”

Imahe mula sa Freepik

Mula naman sa isang guro na nag-share ng post, “Matagal tagal na ring di kinikilig. Baka naman po gusto nyo ko pakiligin. Hahaha.” Ayan, pakiligin n’yo na daw ulit si teacher, at para mas intense samahan na din ng printer. At kung gusto naman na mapa-“I do” agad ang nililigawan mong teacher, samahan mo na din daw ng tablet at cellphone para sa mga kids para may magamit sa online learning.

Kaya boys, ipon-ipon muna ha. Mataas ang standards ni teacher, sa bond paper, dapat high quality. Sa printer, yung one second lang printed na. Ang ink hindi dapat nagsi-spill. At para may bonding kayo, samahan mo na din siya na mag-sort at mag-stapler. Nakatulong ka na, nagka-girl friend ka pa. Win win hindi ba?