Netizen nanawagan sa mga guro: “Hinay-hinay din sa pa-requirements, hindi sila robot”

  • Madalas na excited ang mga bata tuwing sasapit na ang pasukan
  • Ngunit ang lahat ng ito ay bigla na lamang nagbago sa isang iglap
  • At sa muling pagbubukas ng klase, isang netizen ang nanawagan sa mga paaralan habang ipinapakita ang larawan ng kanyang pamangkin na umiiyak dahil sa dami ng requirements na kailangang magawa

Madalas na excited ang mga bata tuwing sasapit na ang pasukan. Buwan pa lamang ng Abril ay nag-uumpisa nang mamili ang mga magulang ng school supplies. Maging ang kanilang mga bagong sapatos, medyas at uniform ay nakahanda na rin.

Excited sila na pumasok na ang month of June dahil marami silang ikukwento sa kanilang mga guro at kamag-aral. Ngunit ang lahat ng ito ay bigla na lamang nagbago sa isang iglap.

Imahe mula sa Freepik

Ang dating June na start ng academic year ay biglang naging August, hanggang sa hindi nagtagal ay napalipat naman ng October. At hindi pa diyan natatapos ang mga pagbabago, dahil ang dating eskwelahan na puno ng masasayang estudyante ay kinakailangang manatili sa kanilang bahay.

Ang iba ay humahanap ng mataas na lugar upang makasagap ng signal, habang ang ilan naman ay bumababa pa mula sa bundok patungong kabayanan upang makapag-charge ng kanilang gadgets na gagamitin sa online class.

Ganito binago ng pandemya ang buhay ng mga estudyante, mga guro, at marami pang tao.

At sa muling pagbubukas ng klase, isang netizen ang nanawagan sa mga guro habang ipinapakita ang larawan ng kanyang pamangkin na umiiyak dahil sa dami ng requirements na kailangang matugunan.

Imahe mula sa Facebook| Dennis Quiaot Castor

Sa post ni Dennis Quiaot Castor ay sinabi niyang, “Hinay hinay din sa pa-requirements! Hindi sila ROBOT. Kung ilang subjects meron sila, for sure lahat may activities. Honestly, natulungan ko na sya sa part na yan. Naaawa ako! na parang mas stress sila kesa nakakapag-aral.”

Ito ang pahayag niya na agad namang nakatawag ng pansin ng maraming social media users. Sari-sari ang kanilang opinyon tungkol dito, at  may netizen naman na nagsabing hindi naman umano kasalanan ng guro o ng estudyante ang nangyayari. Dagdag pa niya na ginagawa lamang ng mga guro ang kanilang trabaho “…so wag natin isisi sa teacher,” pahayag niya.

Magkaiba man ang pinagdaraanang hirap ng mga estudyante at guro ay iisa lang ang hiling ng lahat ng tao, at ito ay ang matapos na ang pandemya upang bumalik na sa normal ang lahat.

Ano man ang kinakaharap ng mundo ngayon, maniwala tayo na matatapos din ang pagsubok na ito.