“Lesson: Hindi lahat ng binangga ay maniningil”; aral mula sa isang motorista

  • Hindi sinasadya na nabangga ng isang merchandiser ang sasakyan na nasa unahan ng kanyang motor habang siya ay papauwi galing sa kanyang trabaho
  • Hindi inasahan ng nakabangga ang sumunod pang nangyari
  • Sa halip na magalit ay mas inalala pa ng may ari ng sasakyan ang kalagayan ng motorista na natumba imbes na ang danyos sa kanyang sasakyan

Sa araw-araw na pagkayod para sa ating mga mahal sa buhay, may mga pagkakataon talaga na dumadating ang mga pagsubok. At minsan, sa mga hindi pa inaasahang oras at pangyayari tayo nakatatagpo ng mga eksenang hindi inaasahan.

Ganito ang nangayari sa merchandiser na si Monart Lavaro noong October 1 habang siya ay nasa daan pauwi sa kanilang bahay. Hindi sinasadya na nabangga niya ang sasakyan na nasa unahan ng kanyang motor. Ngunit hindi din niya inasahan ang sumunod pang nangyari.

Imahe mula sa Facebook| Mark Joseph Flores

Ayon sa Facebook post ni Mark Joseph Flores, “Nabangga ng motor sasakyan ko.Tapos tinanong ko kung ok lang siya kasi masama pagkatumba nya tapos sabay sabi kong “Huwag kang mag-alala bro wala kang babayaran” Nagulat siya at nag-thank you Agad.”

Mas inalala ni Mark ang naging kalagayan ng rider na si Monart sa halip na isispin ang naging damage sa kanyang sasakyan.

Imahe mula sa Facebook| Mark Joseph Flores

“Lesson: HINDI LAHAT NG BINANGGA AY MANININGIL .Isipin din natin kung kaya niyang magbayad at maawa din tayo sa kanila kasi kakarampot lang sahod nila. Ngayon nagkaroon pa ako ng Kaibigan. Anung mapapala ko kung sisingilin ko pa eh walang wala nga yong tao. God is always Good and will provide,”dagdag ni Mark sa kanyang post.

Ang ginawang ito ni Mark ay labis na ikinatuwa at ipinagpasalamat ni Monart. Dahil din dito ay marami ang humanga sa kabutihang ipinakita ni Mark at napa-comment ang marami ng “Sana all.”

Isang mensahe naman ang ipinahatid ng isang netizen para kay Mark dahil sa kanyang ginawang kabutihan sa kanyang kapwa,

I Salute you boss, yan ang tunay na mayaman na may puso, lahat ng yaman ay nasa sayo na Boss, mayaman ka sa puso boss… Ang lahat ng bagay ay hindi natin pwedrng daanin sa pera, minsan pairalin din natin ang puso.”

Nawa ay maging inspirasyon ang pangyayaring ito sa lahat ng tao kahit ano pa man ang antas ng kanilang pamumuhay.

Isang pagsaludo sa iyo, Mark Joseph Flores. Pinatunayan mo na hindi lang sa mga kuwento sa libro nabubuhay ang mga bayani.