Balik tanaw: Mga masasayang alaala ng nakaraan, muling sinariwa

  • Sa isang post ay muling sinariwa ng netizens ang kanilang kabataan
  • Magmula sa tsinelas na nilagyan ng remedyo upang kahit pudpod o patid ay magamit pa, hanggang sa flashlight na gamit sa panghuhuli ng gagamba tuwing gabi ay kanyang nilagyan ng kuwento
  • Nakatutuwang isipin na minsan ay naging parte ang mga bagay na ito ng masayang kabataan na bagama’t kakaunti ang mga larawang tungkol dito ay nakatago naman ang mga ito sa ating alaala

Sa isang post mula kay Zosa ay muling sinariwa ng netizens ang kanilang kabataan. Nakaaaliw at napakaraming alaalang ibinalik ang bawat larawan na dinagdagan pa niya ng mga istoryang naka-caption sa bawat picture sa kanyang post.

“Dapat naranasan mo to lahat ha.. Take time to read every caption. Dito, pagsisisihan mo kung bat di mo sinulit yung masasayang panahon. Kung pwede lang talaga balikan,” sabi niya sa kanyang post.

Imahe mula sa Facebook| Zosa

Magmula sa tsinelas na nilagyan ng remedyo upang kahit pudpod o patid na ay magamit pa, hanggang sa flashlight na gamit sa panghuhuli ng gagamba tuwing gabi ay kanyang nilagyan ng kuwento na talaga namang nakarelate ang mga oldies.

Kung maibabalik nga lamang talaga ang panahon, marahil ay napakasaya. Simpleng buhay, simpleng problema, at simpleng solusyon kagaya ng ibinahagi ni Zosa, “yung 50 pesos mo ngayon mahihirapan ka pang bumili ng isda dahil mahal. Noon, bulate lang pangpain ang dala namin, may tilapya na kami pauwi.”

Imahe mula sa Facebook| Zosa

Kung ngayon ay in demand ang refrigerator dahil puwedeng masira ang pagkain kapag hindi nailagay sa ref, pero noon, simple lang ang solusyon. Ang nakasabit na basket ni Nanay lang daig pa ang refrigerator at tipid pa sa kuryente.

Bago pa lumabo ang mata ng mga bata sa katititig sa mga gadgets na may radiation, ay una munang nauso ang mga larong nagpalakas ng katawan ng mga kabataan noon. Ang luksong tinik o luksong baka at tumbang preso na paboritong laruin ng mga lalaki, at pati na rin ng mga batang babae.

Kung ngayon ay naka-service ang mga bata at bawal maputikan ang mga sapatos tuwing papasok, noon ay enjoy lang sa paglalakad papasok sa paaralan. Kahit pa maputik at puro lubak ang daan, basta kasama ang mga kaibigan ay siguradong hindi mapapagod kahit bundok pa ang daanan.

Iclick mo para sa buongpost / Imahe mula sa Facebook| Zosa

Nakatutuwang isipin na minsan ay naging parte ang mga bagay na ito ng masayang kabataan na bagaman at kakaunti ang mga larawang tungkol dito at hindi pa uso noon ang Facebook at Instagram ay nakatago naman ang mga ito sa ating alaala na nagpapangiti pa rin tuwing magbabalik tanaw sa nakaraan.

I-CLICK ANG PICTURE SA ITAAS PARA SA LAHAT NG KWENTO!