Kakasa ka ba? Parking space na extra challenge ang dating, kinaaliwan sa social media

  • Viral sa social media ang mala-extra challenge na parking space
  • Kinaaliwan naman ito ng netizens at nakakuha na ng libo-libong views
  • Ayon sa mga komento ng ilang mga nakapanood ng video, kailangan daw ng magaling na driving skills upang magamit ang parking space na ito

Kung mapupunta ka sa mga alanganin na lugar at kailangan ang parking space, talagang hahanap at hahanap ka ng paraan lalo pa kung importante ang sadya mo sa isang lugar na pinuntahan mo. Kadalasan, kahit pa nga alam natin na bawal mag-park kung saan tayo nakapuwesto ay sige pa rin tayo dahil ang katwiran ng iba, “saglit lang naman.”

Pero marahil, ang isang netizen ay nahirapan nang humanap ng parking space kaya naman nang makakita siya ng isang vacant space ay hindi na siya nagpaka-choosy pa.

Imahe mula sa Twitter| Nandagopal Rajan

Viral ngayon sa social media ang pang-extra challenge na parking space na napili ng isang driver para sa kanyang kotse. Bukod kasi sa napakaliit ng espasyo na saktong sakto lang sa lapad at haba ng sasakyan niya ang nasabing parking space, ay naandoon ang posibilidad na kaunting maling galaw lamang ay maaaring mapunta sa malalim na bahagi ng gilid ng daan ang kanyang sasakyan.

Hinangaan naman sa social media ang driving skills ng lalaki at agad itong nag-viral. Ang video ay ini-upload ni Nandagopal Rajan. Ayon sa ilang mga komento, nangangailangan daw ng magaling na driving skills ang pag-occupy sa parking space na ito. ang video upload na ito ay nilagyan naman ng caption na, “That’s Malayalee confidence for you” na nanganaghulugan lang na ipinagmamalaki niya ang mga taga-India.

Imahe mula sa Twitter| Nandagopal Rajan

Makikita sa video kung paanong hassle free na nailabas ng driver ang kanyang sasakyan mula sa parking space sa lugar na iyon. “Easy breezy,” sabi naman ng ilan.

Talagang breathtaking ang eksenang ito, pero hindi naman talaga maitatangging magaling ang skills niya.

Narito ang makapigil hiningang video na may kasamang extra challenge:

CLICK the image to watch the amazing driver’s video