Todo na ‘to! Rufa Mae Quinto ibinida ang kanyang renovated house sa Quezon City

  • Challenging ang magpagawa ng bahay habang nasa malayo ka
  • Ngunit sa isang Instagram post ay proud na ipinakita ni Rufa Mae ang ipinapagawa niyang bahay sa QC
  • Naabutan man ng lockdown sa ibang bansa ay positibo pa rin siya na matatapos ang “katas ng labor of love” nila ng kanyang mister at soon ay makauuwi na rin sila sa Pilipinas

Napaka-challenging na magpagawa ng bahay habang nasa malayo ka. Ganito ang nararanasan ng comedian actress na si Rufa Mae Quinto-Magallanes.

Makikita sa kanyang Instagram post ang ilang larawan na kuha mula sa kanyang ipinapagawang bahay sa Quezon City. Proud din niyang sinabi sa kanyang post na matatapos na ang kanilang bahay at miss na miss na niya ang Pilipinas.

Imahe mula sa Instagram| Rufa Mae Quinto Magallanes

Narito ang kabuuan ng kaniyang post sa Instagram,

Ito yung bahay namin sa Pilipinas na uuwian namin kapag pwede ng umuwi. Imagine habang pandemic , nag papagawa ako ng bahay , habang Andito ako sa malayong lugar, sa America, andyan yang lock down , stop close ,open, ecq, mcq, gcq , etc…. pero sa awa ng Diyos , Pa tapos na ang bahay, naitawid ang Lahat . Kaka miss … pero wait wait Lang… Todo na to! Go go goals god will provide amen ito din yung katas ng labor of love. Ito din ang isa sa dahilan Bakit miss na miss ko ang Pilipinas.

Imahe mula sa Instagram| Rufa Mae Quinto Magallanes

Matatandaang ikinasal ang aktres sa financial analyst na si Trevor Magallanes. Hindi nagtagal ay nabiyayaan naman sila ng anak na babae, si Athena.

Imahe mula sa Instagram| Rufa Mae Quinto Magallanes

Sa kasalukuyan ay nasa San Francisco, California pa rin ang pamilya ni Rufa Mae dahil sa lockdown.

Sa kanyang post noong March 15, 2020 via Instagram ay nagulat din siya sa pag-anunsyo ng lockdown at ayon sa kanya, “miss ko na ang Pilipinas Kong mahal… gusto man namin umuwi, Wala ako Magagawa Kundi mag extend ng mag extend para sa safety naming mag ina… So I told myself , kahit Anong plan, you will never know, can never tell, what’s going to happen. Mabuti na lang Andito kami sa Asawa ko, @trevvvsilog sama sama. Thanks for taking care of us.”

Sa kabila ng pandemya ay nananatili pa ring positibo ang pananaw ng aktres na makakauwi din sila ng Pilipinas kapag ligtas na muli ang magbiyahe.