Relate ka ba? Gusto ng hot coffee pero pinalamig dahil mainit

  • Sa amoy pa lang ng bagong lagang kape ay siguradong gising ka na
  • Paano pa kaya kapag hinigop mo na ito?
  • Pero relate ka ba sa, “nag-init ka ng tubig para magkape… tapos pinalamig mo rin yung kape kase mainit”

Masarap talaga ang kape lalo na sa umaga; panalo itong pampagising at perpektong ka-partner ng pandesal.

Sa amoy pa lang ng bagong lagang kape ay siguradong gising ka na; paano pa kaya kapag hinigop mo na ito? The best!

Imahe mula sa Freepik

Pero, makakarelate ka ba sa kagaya ng Facebook post mula sa Batang Pinoy-Noon at Ngayon?

Relate mga kadekada?” ito ang caption niya sa isang larawan na may nakalagay na, “Yung nag-init ka ng tubig para magkape… tapos pinalamig mo rin yung kape kase mainit.”

Maraming Facebook users ang nakarelate sa post na ito. Mayroong nagsabi na, “Gawin ko muna gawaing bahay ,lalo na sa umaga tapos balikan ko na lang pag tapos na ako ,so malamig na.

Paliwanag naman ng isa, “Kaya kasi tayo nagpapainit ng tubig sa kape para malusaw yung kape. Kahit lumamig pwede inumin. Pag deretso malamig tinimpla buo buo yun.”

Imahe mula sa Facebook| Batang Pinoy- Ngayon at Noon

Sino nga ba naman ang makatatanggi sa masarap na kape, samahan pa ng nakagigising na amoy nito, perfect talaga!

Totoo nga na naging parte na ng buhay ng mga tao ang kape. Bago pa man nauso ang mga instant coffee at 3-in-1, kapeng barako muna ang naunang bumida. Kapartner ito ng mga ninuno natin, mainam na pantanggal pagod at uhaw habang nagpapahinga matapos magtrabaho sa bukid. At magpahanggang sa ngayon ay ka-partner pa rin ito kahit ng mga nag-oopisina at mga bawal dalawin ng antok dahil may mga kailangang tapusin.

Umaga, tanghali, o kahit sa gabi, walang pinipiling oras ang pagke-crave sa kape. “Coffee is life, sabi ng mga coffee lovers.

Pero, dahil nagbago na nga ng unti-unti ang panlasa ng tao, mula sa mainit na kape ay ginawa nang iced coffee, sosyal hindi ba? Idagdag pa ang iba’t ibang flavors nito, hazelnut, caramel, macchiato, at kung ano-ano pa.

Mainit man o malamig ang kape, ito ang kasama ng bawat henerasyon na bumangon sa umaga. Sabi nga sa isang advertisement ng isang sikat na coffee brand, “babangon tayo.”