Mga nagka-dengue, posibleng may immunity na umano sa COVID-19 virus, ayon sa pag-aaral

  • Ilang mga pag-aaral ang nagsasabi na posibleng ang mga dati nang nagkaroon ng dengue ay mayroon nang immunity laban sa COVID-19 virus
  • Nilinaw naman ng mga eksperto na nagsasagawa ng pag-aaral  tungkol dito na hindi pa ito pormal at nangangailangan pa ng masusing pag-aaral
  • Ngunit kung mapatutunayan umano ay maaaring makagawa  ng “level of immunological protection” laban sa coronavirus

Sa ibang bansa, ilang pag-aaral ang nagpapakita na ang mga dati nang nagpositibo sa dengue ay lumabas na negatibo sa COVID-19 kung kaya naman inirerekomenda ng mga eksperto na mas pag-aralan pa ang mga kasong ito upang makumpirma ang sinasabing immunity.

Samantala, nilinaw naman ng mga eksperto na nagsasagawa ng pag-aaral  tungkol dito na hindi pa ito pormal at nangangailangan pa ng masusing pag-aaral bago ito mapatunayan. Sinabi naman ng Department of Health na kailangang maging maingat sa pag-unawa sa pag-aaral na ito.

Imahe mula sa Freepik

Kailangang tayo ay maging careful when we interpret and get this kind of data,” saad ni DOH spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire. Sinabi din niya na sa pag-aaral na nagsasabing posibleng mayroong immunity sa COVID-19 virus ang mga dati nang nagka-dengue ay ipinagkumpara lamang ang association between areas with dengue and COVID-19 virus.

It is dangerous for us to have this kind of conclusions, considering na ito pa lang yung napag-aralan,” dagdag na pahayag ni Usec. Vergeire.

Ang pag-aaral tungkol sa pag-uugnay ng immunity sa COVID-19 ng mga dati nang nagpositibo sa dengue ay isinagawa sa Duke University sa pangunguna ni Professor  Miguel Nicolelis.

Sinabi ni Professor Nicolelis sa isang eksklusibong interview, “This striking finding raises the intriguing possibility of an immunological cross-reactivity between dengue’s Flavivirus serotypes and SARS-CoV-2.

Imahe mula sa Freepik

Idinagdag pa niya na kung mapatutunayan umano ang teyoryang ito ay maaaring makagawa ng “level of immunological protection” laban sa coronavirus.

Samantala, ayon naman sa World Mosquito Program na iniuugnay ang kaso ng dengue outbreak sa COVID-19, sinabi ni Professor Scott O’Neill, Director ng World Mosquito Program, “We’re facing a perfect storm where fragile health systems manage outbreaks of two diseases at once… When the COVID-19 pandemic passes, dengue will still be a serious global health issue. We need to get better at managing these pandemics and outbreaks with more resilient health systems and innovative disease control measures.”