Humor: “Sir, tama po ba ang pin location n’yo? Malulunod na po kase ako” – Grab driver na gumamit ng locator app

  • Ilan sa mga nakikinabang sa benepisyong dala ng mga navigation apps partikular na sa Pilipinas ay ang mga delivery riders
  • Ngunit paano kung kakaibang lugar ang ituro ng app?
  • Ganito marahil ang nais na iparating ng uploader ng mga viral photos ng isang Grab rider na naghatid ng good vibes sa netizens

Dahil sa maunlad na teknolohiya, hindi na imposibleng puntahan ang mga lugar na hindi pamilyar sa kahit na sino. Malaking tulong ang mga locator apps o ang maps at navigation apps na libre lang maa-access o mada-download sa oras na kailanganin ang mga ito.

Imahe mula sa Freepik

Ilan sa mga nakikinabang sa benepisyong dala ng mga locator apps na ito partikular na sa Pilipinas ay ang mga delivery riders na kailangang alamin ang exact location ng kanilang mga kliyente. Ngunit paano kung sinundan mo ang daan na itinuturo ng app, ngunit sa kakaibang lugar ka napadpad?

Ganito marahil ang nais na iparating ng uploader ng mga viral photos ng isang Grab rider na may caption na,Sir tama po ba ang Pin location nyo? malulunod na po kasi ako e.”

Imahe mula sa Facebook| Vernie Nifled

Makikita sa mga larawan na nasa dagat ang isang Grab rider habang hawak ang kanyang cellphone na tila kausap ang kanyang customer.

Sari-sari naman ang reaksyon ng mga netizens na nakakita sa larawan at nagdulot din ito ng good vibes sa kanila.

“Good job on this! Lakas maka-good vibes. Salute lodi”-Jherwynne Javier

Samantala, ang isa naman ay nag-comment ng, ” langoy na, par, nang mahatid mo ung order. hahaha

“Dito ako sa medyo malalim langoy ka na lang ,dito kasi submarine namin,” komento naman ng isa na kunwari ay siya ang customer.

Ayon pa sa ilan ay baka daw taga Atlantis o shokoy ang umorder.

Hindi maikakailang good vibes ang dala ng post na ito ni Vernie Nifled, ngunit kalakip din nito ang paalalang ang teknolohiya ay hindi perpekto. Paminsan-minsan pa ring may pagkakamali na maaaring maidulot ang mga apps kung kaya kailangan pa rin ang pag-iingat at pagiging mapanuri.

Magkagayon pa man, legit na madaming napatawa ang post ng netizen na ito. Thank you sa pampa-good vibes na post, Sir!

Viral route: Motorista ‘di makapaniwala sa direksyong itinuro sa kanya ng Google Maps

Naghatid din ng aliw ang video ng isang motorista nung Hulyo kung saan ay makikita ang direksiyong itinuro sa kaniya ng online navigation map ng Google ay tila shortcut na hahamon sa galing ng rider.  Padaanin ka ba naman ni google sa tila kakaibang lusutan na sa unang tingin pa lamang ay mukhang mahirap nang baybayin ng baguhang rider – maliit at mukhang pantao lamang. Extra challenge!