Helium-induced shouting alligator, nagkamit ng Ig Nobel Prize award

  • Isang grupo ng mga scientists ang nakakuha ng Ig Nobel Prize  award dahil sa kanilang kakaibang eksperimento
  • Ang pangkat ng mga siyentipiko ay naglagay ng isang buwaya sa isang tangke na mayroong helium
  • Ayon sa kanilang grupo ay nais nilang pag-aralan kung ang vocal tract resonance ng mga buwaya ay may kaugnayan sa laki ng kanilang katawan

Isang grupo ng mga (mad) scientists ang nakakuha ng Ig Nobel Prize  award dahil sa kanilang kakaibang eksperimento. Sa kanilang eksperimentyo ay kinailangan nilang ilagay ang isang buwaya sa isang helium-filled tank.

Ang pangkat ng mga siyentipiko na naglagay ng isang buwaya sa isang tangke na may helium ay kinabibilangan nina Stephan Reber, Takeshi Nishimura, Judith Janisch, Mark Robertson, and Tecumseh Fitch. Sila ay nagmula sa magkakaibang bansa: Austria, Sweden, Japan, USA, at Switzerland.

Imahe mula sa Freepik

Ang tanong ay kung bakit kinailangan nilang ilagay ang buwaya sa isang tangke na puno ng helium?

Ayon sa kanilang grupo ay nais nilang pag-aralan kung ang vocal tract resonance ng mga buwaya ay may kaugnayan sa laki ng kanilang katawan. Kaya naman sinubukan nilang pasigawin ang buwaya habang nakalagay ito sa isang tangke na nilagyan nila ng helium gas.

Panoorin ang video:

I-CLICK ang imahe para mapanood ang video sa YouTube| GeoBeats Science

Dahil sa kanilang pamamaraan ay nakuha nila ang atensyon ng mga hurado na naging dahilan para makuha nila ang Ig Nobel Prize sa Acoustics category.

Ang Ig Nobel Prize ay isang award na taunang isinasagawa sa Harvard University. Ang nasabing award ay nahahati sa ilang kategorya: Materials Science,  Entomology, Medical Education, Medicine, Acoustics, Psychology at iba pang larangan ng agham. Ito ay sinimulan noong 1991, at ito na ang ika-30 taon ng pagdadaos nito.

Ngunit dahil sa pandemya ay isinagawa ang awarding online na tumagal ng 75 minutes sa halip na ang tradisyunal na pagdadaos nito sa Harvard’s Sanders Theatre.

Samantala, bukod sa helium-induced shouting alligator, nagwagi rin ang grupo ng Dutch at Belgian researchers sa kanilang pag-aaral sa kung bakit ang tunog ng pagnguya ay nakapagpapagalit sa tao. Bakit nga ba?

Source :

Youtube, Youtube