“Avoid touching MEN, instead follow WOMEN”: Paalala sa isang mall, kinaaliwan ng netizens

  • Madalas tayong gumamit ng mga acronyms upang mas madaling maalala ang mahahabang mga salita
  • Ngunit sa isang mall ay kinaaliwan ang kanilang pamamaraan ng paggamit ng acronyms
  • Isang netizen ang nagpost ng acronym mula sa isang mall at agad namang nag-viral matapos na mai-upload

Madalas tayong gumamit ng mga acronyms upang mas madaling maalala ang mahahabang mga salita. Ngunit sa isang mall ay kinaaliwan ang ang kanilang pamamaraan ng paggamit ng acronyms. Tila ba may mga hugot ang linya na kanilang ginamit na pumatok naman sa mga nakakakita.

Isang netizen ang nagpost ng acronym mula sa isang mall at agad namang nag-viral matapos na mai-upload.

Imahe mula sa Freepik

You’ve got to remember to avoid touching MEN, instead follow WOMEN” — ganito ang nakalagay na reminder ng isang mall, at nilagyan naman ito ng caption ng facebook user na si PJ Javier.

Pati ba naman sa ganito kawawa kameng mga lalaki at babae pa den masusunod. Hahahahaha,” pahayag ni PJ na patungkol sa reminder ng mall.

Ngunit ang reminder na ito ay mayroong kahulugan.

MEN stands for (M) mouth, (E) eyes, and (N) nose, while WOMEN stands for (W) wash your hands, (O) obey social distancing, (M) mask up, (E) exercise and eat well, and (N) no unnecessary crowding.

Imahe mula sa Facebook| PJ Javier

Bahagyang nagtampo man ang mga kalalakihan sa paalalang ito, na may magandang meaning naman pala. Kaya boys, relax lang. It is just a friendly reminder to the mall goers.

Kaya next time na pumunta kayo sa mall, hindi na kailangan pang magtampo ang mga boys; friendly reminder lang at walang personalan.

Samantala, isang netizen ang nag-comment, at syempre, isa siyang lalaki, “Women: Gender Equality please; Also Women: We are the boss.” Ang komento niya ay ngdulot ng saya sa mga nakabasa, at kanya- kanya naman ng mention ang mga kababaihan sa mga kakilala nilang lalaki.

Mayroon din namang nag-mention sa kanyang nobyo sabay sabing, “hahaha… now you know! Pangalawa sa I pick, you pay” na sinundan pa niya ng laugh out loud na emoji.