Kita sa Turismo bumagsak ng 60%, ayon sa DOT

  • Ayon sa DOT ay bumagsak ng 60% ang kita sa sector ng turismo 
  • Wala halos pumasok na turista sa bansa sa kasagsagan ng lockdown sa malaking bahagi ng bansa
  • Sinabi rin ng DOT na magkagayun pa man ay tiwala sila na unti-unting makababangon ang sector ng turismo sa Pilipinas

Isa sa pinakanaapektuhan ng COVID-19 pandemic ang industriya ng turismo sa bansa. Ayon sa Department of Tourism ay bumagsak nang mahigit 60% ang kita sa sector ng turismo dahil sa pagtamlay ng turismo sa mga nakalipas na buwan.

Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr. ay halos wala ring pumasok na turista sa bansa sa buwan ng Abril at Mayo sa kasagsagan ng lockdown sa malaking bahagi ng bansa. Ngunit sinabi din ng DOT na magkagayun pa man ay tiwala sila na unti-unting makababangon ang sector ng turismo sa Pilipinas.

Image via Youtube| Tourism Philippines

Ipinaliwanag naman ni Bengzon na malaki ang sakop ng domestic tourism sa bansa; dahilan kung kaya malaking porsyento ng kita sa turismo ang nawala.

“I think ang mahalaga diyan moving forward is that kumpiyansa kami na ‘yung recovery ng Pilipinas will be faster than maybe other destinations kasi ang advantage natin ay malaki ‘yung domestic tourism base natin,” pahayag ni Bengzon.

Image via Youtube| Tourism Philippines

Ayon sa DOT ang pagbibiyahe ay pinapayagan na sa mga lugar na nakasailalim na sa modified general enhanced community quarantine. Idinagdag pa nila na mahalaga para sa sektor ng turismo na magbukas sa lalong madaling panahon upang ang mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic ay muling magkaroon ng pagkakakitaan.

Ngunit binigyang diin ng DOT na ang pagbubukas ng turismo ay kailangang dahan- dahan at may pag-iingat.

Samantala, inihayag naman ni Tourism Secretary Berbadette Romulo- Puyat na sa tulong ng gobyerno , ang sector ng turismo ay muling babangon. Ngunit nilinaw din niya na sa pagbiyahe ay kailangang sundin pa rin ang mga safety measures and protocols ng new normal.