Mga asong riding in tandem, trending sa socmed

  • “Dogs are man’s best friends,” mga katagang maraming beses na ring napatunayan sa napakaraming pangyayari
  • Dahil nga kapamilya na rin ang turing sa kanila, best buddies din sila kapag namamasyal kagaya ng video ng mga asong riding in tandem kasama ang kanilang amo
  • Agaw pansin ang mga pet na ito na kinaaliwan naman sa social media

Dogs are man’s best friends,” mga katagang maraming beses na ring napatunayan sa napakaraming pangyayari. May aso na naging mata ng kanyang amo na walang kakayahang makakita; mayroon din namang isa pang kuwento ng aso na iniligtas ang isang bata mula sa isang sunog.

Samantala, isa sa mga nakabibilib na ginawa ng aso para sa isang tao ay ang magsilbing ina sa isang sanggol na naiwan sa kanyang pangangalaga. Hinayaan ng aso na makisalo ang sanggol sa gatas na para sa kanyang mga tuta. Kung hindi dahil sa aso ay posibleng hindi nakaligtas ang bata dahil sa gutom.

Imahe mula sa Facebook| Boris Shamilov

Ilan lamang ang mga nabanggit na kuwento sa patunay na ang mga aso ay talagang man’s best friends.

Dahil nga ang pet ay itinuturing na ring kapamilya, isang video ang umagaw ng atensyon ng social media users.

Sa video kasi na ibinahagi ni Boris Shamilov, makikita ang ang mga aso na riding-in-tandem, ‘ika nga. Kinaaliwan ng marami ang mga aso na kasama ng kanilang amo habang namamasyal sakay ng isang tandem bike. Agaw pansin ang mg alagang aso na hindi lang isa kung hindi tatlo. Mas cool pa nga ang kanilang itsura kung ikukumpara sa kanilang amo dahil chill na chill sila at sitting pretty with matching shades pa.

Mapapalingon talaga ang mga madadaanan nila dahil sa pagbusina pa lang ng kanilang amo na siyang nasa unahan ng bike  ay lilingunin mo na ang malakas na tunog na tila ba sinasabing, “makikiraan po!” At idagdag pa sa malakas na busina ang irresistible charm ng mga pets na ito.

Nais mo bang makita ang kanilang pamamasyal? I-click lamang ang imahe sa ibaba.

Imahe mula sa Facebook| Boris Shamilov