Tabo, lapis at mangkok, sound trip na pantanggal boredom ngayong ECQ

  • Lapis,tabo, at mangkok ang ginawang pangontra ng isang netizen sa kanyang pagkabagot
  • Gamit ang mga ito ay lumikha siya ng tila one man drum and lyre band
  • Sa bawat pagdampi ng dulo ng mga lapis sa mga mangkok at tabo ay lumilikha ito ng musikang masarap pakinggan

Bored ka na ba sa haba ng enhanced community quarantine? Napanood mo na ba lahat ng Netflix series? O baka naman natapos mo na din i-subscribe lahat ng bloggers sa Youtube? Master mo na din ba ang English dahil sa kababasa ng subtitles ng mga Korean nobelas?  Ano pa ba ang hindi mo nagagawa para maalis ang pagkabagot?

Imahe mula sa Freepik

Kung wala ka nang maisip na pagkaabalahan, hayaan mong tulungan ka ng Facebook user na si Keith Daniel Barretto Lagunzad Jr. Paano? Panoorin mo ang husay niya sa pag-gamit ng lapis, tabo at mangkok.

Lapis? Magsusulat ba siya? Hinde. Lalong hindi din niya sa paliligo gagamitin ang tabo. Hindi din sa paghigop ng sabaw ang mga mangkok. Pero, saan nga ba sila ginamit ni Lagunzad?

Imahe mula sa Freepik

Sa kanyang videos mapapanood kung paanong ang mga bagay na walang kaugnayan sa isa’t isa ay pinagsama-sama niya upang makabuo ng musikang masarap sa pandinig. Lapis ang ginamit niya bilang drum stick, habang ang tabo naman na nakatali sa beywang niya ang kanyang tambol. Samantala, ang mga mangkok na may lamang tubig ang tila nagsilbing lyre. Parang one man drum and lyre band.

Imahe mula sa Facebook | Keith Daniel Barretto Lagunzad Jr.

Creative, hindi ba? At dahil may tabo na, isinama na niya sa outfit ang towel na ibinalot niya sa kanyang ulo, tipong sound trip lang bago maligo.

Sa panahon na kagaya nito, may quarantine man o wala, hindi naman talaga mauubos ang puwedeng gawin lalo na at nasa bahay ka. Kagaya ng isang bata na punong-puno ng imahinasyon, bakit hindi mo subukang balikan ulit ang mga panahon ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong laruan, pero this time, level up lang.

Narito ang isa sa mga videos ni Lagunzad habang tinutugtog ang “You Are My Sunshine.”