Sen. Sotto nagbabala ng mas malalang 2nd wave ng COVID-19 crisis kung mamadaliin ang pag-alis ng ECQ

  • Sotto nagbabala sa posibleng mas malalang 2nd wave ng COVID-19 crisis
  • Mapanganib umano kung mamadaliin ang pag-alis ng ECQ
  • Nanawagan si Sen. Sotto na palawakin pa ang ginagawang COVID-19 mass testing

Habang pinag-uusapan na ang posibilidad na alisin na ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) at i-downgrade ito sa general community quarantine (GCQ), nagbabala si Senator Tito Sotto sa panganib ng mas malalang 2nd wave ng COVID-19 crisis.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen, Tito Sotto

Ang kanyang babala ay kaugnay ng mababa pang kapasidad ng bansa sa pagsasagawa ng COVID-19 mass testing. Ang panawagan niya ay palawakin pa ang ginagawang mass testing sa buong bansa.

“Magagabayan ng resulta ng mas malawak na mass testing ang ating mga lider para sila ay maghinay-hinay sa pagbuo ng desisyon ukol sa pagtanggal ng ECQ. The premature lifting of the strict quarantine regulation could lead to a worse second COVID-9 wave,” babala ng senador.

Matatandaang ang Metro Manila Council, na binubuo ng 17 mayors sa buong Metro Manila, ay nagbigay ng tatlong rekomendasyon sa Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases hinggil sa quarantine na pinaiiral.

Sabi ni Sen. Sotto, mapanganib kung babalik ang mga manggagawa sa kanilang mga trabaho kung mataas pa rin ang COVID-19 infections sa Metro Manila.

Imahe mula sa Politiko

“Let us remember that even among the quarantined population, the threat that the virus had already invaded their communities and even homes without them being aware of it is also high,” aniya.

“Unless mass testing is conducted, we will not know if the person whom we have just talked with, or the person beside us at the grocery aisle or the lady who was pushing the cart before us is infected,” dagdag pa ng senador.

Batay sa datos ng Department of Health alas-kwatro ng hapon ng May 10, 2020, ang total COVID-19 cases sa bansa ay umabot na sa 10,794.  Ang nakarekober ay 1,924 at ang mga sinawimpalad ay 719.

Imahe mula sa DOH