Quarantine life: Matteo grateful at happy na katabi si Sarah sa pagtulog, paggising

  • Malaki ang pasasalamat ni Matteo Guidicelli sa kanyang masayang married life
  • Palagi niyang kasama si Sarah Geronimo ngayon lalo na’t may quarantine
  • Pinakagusto ni Matteo ang mga simpleng bonding nilang mag-asawa

Malaki ang pasasalamat ni Matteo Guidicelli dahil sa kanyang masayang married life na sinabi niyang isang pangarap na natupad.

Imahe mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli

Palagi niyang kapiling ang asawang si Sarah Geronimo at nakagagawa sila ng masasayang alaala na magkasama lalo na ngayong may ipinatutupad na quarantine.

Kalimitan umano silang magkasama sa bahay maliban na lamang kung pumupunta sa groserya para mamili ng mga kailangan.

Sinabi ni Matteo sa isang virtual press conference, batay sa ABS-CBN News, na marami pa rin siyang mga bagong nadidiskubre kay Sarah lalo na ngayong nakatira sila sa iisang bubong.

“Marami. I think every single day is a blessing. Every single day, I am so thankful that I get to sleep and wake up beside her. Up to now, it’s still a dream,” aniya.

Ang mga simpleng bonding nilang mag-asawa umano ang pinakagusto niya katulad ng pagluluto, pag-e-ehersisyo, paglalaro kasama ang kanilang mga alagang aso, at pag-uusap patungkol sa mga simpleng bagay.

Nabanggit niya na noong umpisa ay medyo hindi pa nila alam ang kanilang gagawin pero nakagawa naman ng routine kalaunan.

Ayon kay Matteo, wala pa silang balak na bumuo ng baby dahil sa bagong kasal pa lamang sila at nais munang i-enjoy ang buhay na magkasama.

Hanggang sa hindi pa sila nagkakaanak, mananatiling prayoridad niya si Sarah dahil sa iisa na lamang sila ngayon.

Image by Matteo Guidicelli via Instagram

Matatandaang nagkaroon ng “Divine intervention” ang kasal ng dalawa kaya’t naging kontrobersyal ito. Sa kabila nito, maraming tagahanga ang umaasa na tatagal ng panghabambuhay ang kanilang pagmamahalan at bubuo ng isang masayang pamilya.

Bahagi si Matteo ng isang dokumentaryo na tumatalakay sa 45-day Scout Ranger training. Mapapanood ito simula May 23 sa ABS-CBN streaming platform na iWant.

Image by Matteo Guidicelli via Instagram