Private schools maaaring magsimula ng online classes sa June kung papayagan ng IATF

  • Posibleng maging mas maaga ang simula ng klase sa mga pribadong paaralan, ayon sa DepEd
  • Kung pahihintulutan ng IATF ay maaaring magsimula ng online classes ang mga private schools
  • Nauna nang inanunsyo ng DepEd na sa August 24 sisimulan ang bagong school year

Maaaring maging mas maaga ang pagsisimula ng klase sa mga pribadong paaralan kung pahihintulutan ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones.

Imahe mula sa DepEd

Nilinaw ni Secretary Briones na ang nauna niyang inanunsyong August 24 class opening ay para sa parehong private at public schools, subalit kung nais ng private schools na mas maaga magsimula ay maaari kung sakaling pumayag ang IATF at ang Department of Health (DOH).

“Private schools who want to open in June may do so if allowed by the IATF and DOH guidelines, and no face-to-face for June,” paliwanag ni Sec. Briones.

Sinabi pa ng kalihim na isinasapinal pa ng ahensya ang Learning Continuity Plan (LCP) kung saan ide-detalye ang mga pagbabago sa mga polisiya at mga hakbang na nararapat gawin upang matiyak na magpapatuloy ang edukasyon sa gitna ng COVID-19 crisis.

Naniniwala ang DepEd na ang LCP ay pangunahing tugon ng Kagawaran sa kanilang commitment upang matiyak ang kalusugan, seguridad at ang buong katauhan ng kanilang mga mag-aaral, guro at mga personnel sa gitna ng nararanasang krisis sa COVID-19.

Imahe mula sa DepEd

Ang mga polisiya ng DepEd ay patuloy umano na ibabatay sa siyensya at sa payo ng mga eksperto sa kalusugan.

Paliwanag ng DedEd, inaantala nila ang pasukan upang bigyan ng panahon ang mga estudyante at guro na makapag-adjust sa bagong pamamaraan ng pagtuturo alinsunod na rin sa kautusan ng DOH at ng World Health Organization