Pang. Duterte nag-sorry kay MVP at Ayala sa mga binitiwang “hurtful words”

  • Humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa mga Ayala at kay MVP sa mga maanghang na salitang binitiwan niya noon
  • Sinabi ng Pangulo na handa na siyang muling makipag-usap sa mga nabanggit na negosyante at sa pagkakataong iyon ay magiging rasonable siya
  • Malugod namang tinanggap ng mga negosyante ang paumanhin ng Pangulo
  • Tumaas ang halaga ng shares of stocks ng mga kumpanya ng mga Ayala at ni MVP matapos mag-sorry ang Pangulo            

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga business tycoons, partikular na kina Manny V. Pangilinan (MVP) at Fernando Zobel de Ayala sa mga masasakit na pananalitang binitiwan niya noon.

Screenshot mula sa video ng RTVM

Anang Pangulo, handa na siyang muling makipag-usap sa mga nabanggit na negosyante at sa pagkakataong iyon ay magiging rasonable siya.

“There may be legal issues but I’m ready to talk and I’ll be reasonable. ‘Yung mga masakit kong pananalita to Ayalas and Pangilinan, I apologize for the hurting words. If you can find it in your heart to forgive me,” buong sinseridad na sinambit ng Pangulo sa kanyang pinakahuling public address.

Nagbiro pa ang Pangulo na kung hindi tatanggapin ang paumanhin niya ay didiretso siya sa Diyos at magsusumbbong na ayaw siyang patawarin.

“If you do not forgive me, I will undercut you, I’ll go directly to God. God, ayaw akong patawarin nito…”, biro ng Pangulo.

Kinuha na rin ng Pangulo ang pagkakataon upang pasalamatan ang mga negosyante sa malaking ambag nila sa COVID-19 response ng pamahalaan. Aniya, balang-araw ay baka kailanganganin niyang muli ang tulong ni Pangilinan at Ayala.

MVP/Imahe mula sa SBP PH

“I can promise you that I’ll be nice and if you want to see me, we can talk. And naubos na ho ‘yung pagkasuplado ko kasi dahil sa …the Covid humbled me. With the kind of response that you gave, showed to the public, it’s a humbling experience also for me. That, you know, baka kailangan mo rin sila balang araw,” sabi ni Pangulong Duterte.

Malugod namang tinanggap ng mga negosyante ang paumanhin ng Pangulo.

“I would like to thank the President for his remarks tonight, most especially for his sincerity and kindness,” sabi ni MVP.

Nangako pa siya ng patuloy na suporta sa COVID-19 response ng pamahalaan.

“I wish to assure him that our group is fully committed to being a partner of government in addressing the heartbreaking moments of COVID-19 on our people, in building a better tomorrow for them. We are, and have always been here, for the country,” sabi pa ni Pangilinan.

Screenshot mula sa video ng CNN

“We are grateful for President Duterte’s statement at the briefing last night. We have always believed in building a strong partnership between the private and public sectors in addressing our country’s problems and in investing in the country to create jobs and improve the lives of Filipinos,” mensahe naman ng magkapatid na Jaime Augusto at Fernando Zobel de Ayala.

Samantala, matapos ang paghingi ni Pangulong Duterte ng paumanhin ay tumaas ang halaga ng shares of stocks ng mga kumpanya ng mga Ayala at ni MVP.