Pang-award na linya ni Berta ng Metro Cebu, kinaaliwan sa socmed

  • Viral ang pang-award na linya ng isang Cebuano na kinaaaliwan ngayon sa socmed
  • Ang mga linya niyang ito ay umabot na din sa Tiktok na ginagaya na din ng marami
  • Ngunit hindi lamang kaaliwan ang nais ng uploader ng kumakalat na video na ito kundi layunin niyang makahanap ng tulong para sa kalagayan ni Berta

Sa Queen City of the South ay talagang mapapangiti ka kapag nakilala mo ang famous artist nila na si “Berta” — na tinatawag naman na Adora ng iba. Magaling siyang kumanta, sumayaw at umarte. Kamakailan lang ay muling nag-viral ang kanyang video na ini-upload ni Kath Taneo.

Sa video ay makikita kung paano niya flawless na nai-deliver ang mga linyang pang-teleserye ang dating. Ito iyong tipong mapapa-wow at mapapa-standing ovation ka dahil sa galing niya sa pagbitaw ng bawat salita  na talagang with feelings.

Imahe mula sa Facebook | Kath Taneo

‘Gigil na gigil ako sa’yo mula nang winasak mo ang kalangitan ko mula Region 7 hanggang Region 31. Masakit ang ginawa mo sa akin. Ginulo mo ang isip ko. Sinira mo ang kinabukasan ko, at higit sa lahat pinapunta mo ako sa bisyo… mahirap akong kalabanin, lalaki ka lang sa buhay ko. Minahal lang kita. Wala kang karapatan na humusga sa buhay ko. In the first place, I am making with my own what I have own…’ linya ni Berta sa kanyang latest viral video.

Ang kanyang video ay nag-viral kagaya ng mga nauna pa niyang mga videos. Iba’t iba ang komento ng mga nakapanood dito. Mayroong nanghinayang sa talino niya. Mayroon namang natuwa dahil sa good vibes na dala niya, at ang iba naman ay naawa sa kalagayan niya, ngunit karamihan ay paghanga ang ipinahayag para sa talentadong si Berta.

Imahe mula sa Facebook | Carlo Abaquita

Ngunit, sino nga ba talaga si Berta?

Mula sa uploader ng video, si Berta daw ay kilala sa kanila bilang “Diva” dahil sa pagiging multi-talented nito, ‘he sings, dance and we just discovered na mahusay din siya mag-acting.

Idinagdag pa ng uploader na si Kath na marami raw nakakakilala kay Berta sa Metro Cebu, at ayon daw sa mga naririnig niya ay isang dating teacher si Berta bago siya nawala sa katinuan. Sinabi din niya na sa kabila ng kondisyon ni Berta ay gumagawa ito ng paraan upang mabuhay, ‘kahit na ganyan yung kalagayan niya, he does everything para magkapera siya.

Imahe mula sa Facebook | Jo Ethan

Si Berta, si Adora, o si Diva, kilala man sa iba’t ibang pangalan ay walang tiyak na pagkakakilanlan ngunit mababakas sa kanyang mga salita ang talinong taglay niya. Hatid niya ang good vibes sa mga nakapaligid sa kanya, kaya naman marapat lamang na masuklian ito.

Marahil, kung si Berta ay maibabalik sa kanyang katinuan ay mas marami ang matutuwa kabilang na mismo ang kanyang sarili. Marahil ay mas marami pa siyang maiaambag – hindi lamang sa mga taga-Cebu – kundi pati na rin sa buong mundo.

Paglilinaw naman ni Kath Taneo na hindi niya hangad na pagtawanan ng mga tao si Berta. Siguro nagkataon lang na maraming naaliw sa lines niya, hindi dahil sa kapansanan niya.

Nawa habang naaaliw ang marami kay Berta ay mayroon ding makatulong sa kanya upang siya ay maibalik sa maayos na pag-iisip.

Narito ang video na ibinahagi ni Kath Taneo via Facebook: