No to ML! Yes to household chores! “Para matuwa ang uuwi”

  • Kahit na maraming kalalakihan ngayon ang nawiwili sa paglalaro ng ML ay mayroon pa rin namang mas gusto na gawaing bahay ang paglaanan ng oras
  • Isa na rito ang lalaking proud na ini-upload ang mga accomplished household chores niya
  • Ito daw, ayon sa kanya, ay “Para naman matuwa ang uuwi”

Mahilig ka rin bang maglaro ng pinaka-kinalolokohang online game ngayon na kung tawagin ay Mobile Legends?

Karamihan sa mga nahihilig sa larong ito ay ang mga kalalakihan. Kamakailan lang ay isang lalaki ang nag-quit sa paglalaro ng ML dahil sa nagtatampo na ang anak nito dahil sa labis niyang paglalaro ng naturang online game. Pero ang pag-quit sa ML ay hindi poproblemahin ng netizen na si Norvin Esplana.

Imahe mula sa Facebook| Norvin Esplana

Sa kanyang Facebook account ay ibinida niya ang kanyang accomplished household chores with caption, ‘Lalaki ako, pero mas pipiliin kong gawin ‘to kesa sayangin ang oras ko sa pagtambay at paglalaro ng ML. hahaha… Para naman matuwa ang uuwi.’ 

Makikita sa mga larawan na mula sa pag-aayos ng kuwarto, pagliligpit ng pinagkainan, at hanggang sa pagsasampay ng mga damit na nilabhan ay ginawa niya. Kung ganito ba naman kaayos ang dadatnan ng uuwi sa bahay pagkatapos ng nakapapagod na trabaho ay sino ba naman ang hindi matutuwa?

Kung ganito ang gagawin ng mga mister ay siguradong always good mood si misis.

Ang kanyang post ay agad na nag-viral. Karamihan sa mga nag-react at nag-share ng post na ito ay mga babae, habang ang iba naman ay binanggit pa ang kanilang mga kakilalang lalake.

May mga nag-comment na parang may hugot, ‘Sana lahat ng lalaki ganto. Hindi yung iiwan lang hugasin sa lababo na parang may katulong sa bahay charr.’

Imahe mula sa Facebook| Norvin Esplana

Mayroon din naman na nag-message sa kanyang partner sa comment box, ‘Buti ka pa, kahit na lalaki ka, kahit na naglalaro ka ng ML at iba pang games. Kahit na nagwo-work ka sa gabi, ang sipag mo pa din sa mga gawaing bahay. Lagi mo inaayos kama natin, pinapagpag mo. Naghuhugas ka palagi.  Basta kamo ako pagluluto kita palagi.’

Pero mukhang iba ang impact ng post ni Norvin sa ilang kalalakihan na napa-comment din,

‘Ginagawa ko rin naman ‘yan pero nakakapag ML pa rin naman ako.’

‘Ahahaha lalake din ako, at mas maayos ko pang ginagawa yan kesa sa ginawa mo, pero never ko pinost.’

Iba’t iba man ang comment na nakuha ni Norvin sa kanyang post, ang importante ay napasaya niya ang taong pinaglaanan niya ng kanyang mga ginawa.