NBI tumugon sa panawagan ni Angel Locsin hinggil sa banta sa kanya ng isang netizen

  • NBI agad na tumugon sa panawagan ni Angel Locsin hinggil sa pagbabanta sa kanya ng isang netizen
  • Nagpasalamat ang aktres sa tugon ng NBI subalit nagdesisyon siya na huwag na munang magsampa ng kaso
  • Kung uulitin ang pagbabanta sa kanya ay hindi na umano aatras si Angel Locsin

Tumugon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa panawagan ni Angel Locsin hinggil sa Twitter user na nag-aalok ng P200 miillion sa mga supporters ng GMA Network at ni Presidente Rodrigo Duterte kapalit ng buhay ng aktres.

mahe mula sa Instagram account ni Angel Locsin

Ayon sa NBI, kung sa palagay ng aktres ay seryoso ang banta sa kanya ng netizen ay may karapatan siyang humingi ng tulong sa ahensya upang matugunan iyon.

“The NBI takes seriously any threats made to any person. If Angel Locsin and other artists receive threats of physical harm or other means sent thru the social media and they feel these threats are serious, they have all the right to seek the assistance of the NBI so their concerns can be appropriately addressed,” pahayag ng NBI noong Huwebes, ika-21 ng Mayo.

Ang pahayag ng ahensya ay tugon sa mensahe ni Angel Locsin na “Hello, NBI? Beke nemen po.”

Ang panawagan ng aktres ay kaugnay ng post ng netizen na nagbanta sa pamamagitan ng Twitter. Deactivated na ang Twitter account ng suspek.

Bukod kay Angel Locsin, maging sina Kim Chiu at Coco Martin ay kasamang binantaan ng netizen.

Screenshot ng banta kay Angel Locsin

Nagpasalamat si Angel sa maagap na tugon ng NBI sa kanyang panawagan , subalit nagdesisyon siya na huwag na munang gumawa ng legal na aksyon laban sa netizen.

“Thank you NBI for reaching out. For now, ipag-pray ko muna ‘tong mga taong to. Ayoko silang pahirapan pa sa hirap ng buhay ngayon sa kung anong pwede kong ikaso sa kanila,” anang aktres.

Subalit kung uulitin ang pagbabanta ay hindi na raw sila aatrasan ni Angel.

Imahe mula sa NBI
Source :

MSN, PEP