Mystica kinasuhan ni Arnell Ignacio dahil sa pang-iinsulto kay Pang. Duterte

  • Nagsampa ng tatlong kaso si Arnell Ignacio laban kay Mystica dahil sa pagmumura nito sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte
  • Inciting to sedition, cyber libel at paglabag sa Bayanihan To Heal as One Act ang isinampa ni Ignacio laban kay Mystica
  • Marami ang naniniwala na nagpapapansin lang si Mystica upang humatak ng views at likes ang kanyang video blogs

Nagsampa ng tatlong kaso ang dating actor/TV host at former government official na si Arnell Ignacio laban sa kontrobersyal na actress/singer na si Mystica dahil sa ginawa nitong pagmumura sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Imahe mula sa Facebook account na DA Arnell OWWA

Ang mga kasong inciting to sedition, cyber libel at paglabag sa Bayanihan To Heal as One Act ang isinampa ni Arnell laban kay Mystica. Inihain niya ang mga reklamo sa Prosecutor’s office sa Imus City sa Cavite.

Napag-alaman umano ni Arnel na residente ng Gen. Trias, Cavite si Mystica kaya sa nasabing probinsya siya naghain ng kanyang mga reklamo.

“Kapag seryoso ang issue eh, file na ako ng case. Hindi talakan lang sa FB. Hindi mo pwede mura-murahin si Presidente nang ganun-ganun lang at aatungal ka pagkatapos. Mas malala, nagyaya ka pa na pabagsakin ang gobyerno imbis na tumulong ka na lang. Yung pagmumura mo naman eh parang personal ang kasalanan sa iyo, eh. Kahit man lang sana sa edad nung tao e binigay mo na kahit katiting na paggalang,” pahayag ni Arnell.

Ang reklamo ni Arnell ay ibinase nito sa video ni Mystica kung saan minura nito ang administrasyon ni Pangulong Duterte at hinikayat pa ang mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo na magtipon-tipon upang kalabanin ang gobyerno.

Imahe mula sa Facebook account na DA Arnell OWWA

“I am challenging the President! Siya ang i-home quarantine. ‘Wag siyang palabasin at ‘wag siyang bigyan ng pagkain at inumin. Tingnan natin kung ano ngayon ang magiging kahihinatnan niya… But right now, sumusuporta na ako sa kanila. All the way, sumusuporta na ako sa kanila. Kaya kung sino ‘yung mga sumusuporta ngayon kay Vice President Leni Robredo, let’s get up there and to be in full force. Labanan natin ang p*** i**** gobyernong ito…” ilan lang sa mga binitawang mga salita ni Mystica laban sa Pangulo.

Naniniwala ang mga followers ni Arnell Ignacio at iba pang netizens na nagpapapansin lang si Mystica upang humatak ng views at likes ang kanyang video blogs. I-click ang larawan sa ilalim kung  nais mapanood ang video.

Screenshot mula sa video ni Mystica