Karagdagang benepisyo, pribilehiyo para sa solo parents isinusulong ni Sen. Bong Go

  • Isinusulong ni Sen. Bong Go ang karagdagang benepisyo para sa mga solo parents at mga anak nila
  • Nanawagan si Sen. Go sa mga kapwa senador na agad ipasa ang Senate Bill No. 1411 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act of 2020
  • Sinabi ng senador na hindi madali ang pagiging isang solo parent

Isinulong ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go noong Martes, ika-5 ng Mayo, ang agarang pagpasa ng panukalang batas na naglalayong mabigyan ng karagdagang benepisyo at pribilehiyo ang mga solo parents at kanilang mga anak.

Imahe mula kay Sen. Bong Go

Sa kanyang co-sponsorship speech sa Senate Bill No. 1411 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act of 2020, ipinahayag ni Senator Bong Go ang kanyang pagnanais na amyendahan ang Republic Act 8972 o ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000 dahil sa hirap na kinahaharap ng solo parents sa pagtataguyod ng kanilang mga pamilya.

“Alam nating lahat na ang pagiging solo parent ay hindi madali. Solo parents are both the breadwinners and caregivers of their families,” anang senador.

“As such, they should be acknowledged appropriately. As the law now stands, the privileges and benefits awarded to them are insufficient and show a lack of understanding for the complexity of their needs,” paliwanag pa niya.

Ayon sa proposed bill, dapat umanong gumawa ang pamahalaan ng komprehensibong programa na tatawaging Package of Social Protection Services upang mapagaan ang bigat na pinapasan ng mga solo parents.

Imahe mula kay Sen. Bong Go

“The enhancements introduced to the law aim to provide redress for some 14 million solo parents in the country who are saddled with the hardship of raising their children single-handedly. As sought by this measure, more benefits and privileges will be given to them to ease their burden,” paliwanag ni Sen. Go.

Kabilang sa mga karagdagang benepisyo na isinusulong ng senador para sa mga solo parents ay ang special discount sa mga pangunahing bilihin gaya ng damit, gatas, pagkain at medisina. Ang mga anak nila ay dapat bigyan ng diskwento sa tuition fee mula sa mga paaralan, pampubliko man o pribado.

“Pakitaan natin ng tunay na malasakit ang ating mga kababayan na patuloy nilang itinataguyod mag-isa ang kanilang mga pamilya,sabi ni Senator Go sa kanyang panawagan sa mga kapwa senador na agad ipasa ang panukalang batas.

Imahe mula kay Sen. Bong Go
Source :

Facebook, PNA