Imported test kits sa Tanzania pinaniniwalaang defective matapos magpositibo sa COVID-19 ang papaya at kambing

  • Mga imported COVID-19 test kits na ginamit ng Tanzania depektibo, ayon sa Pangulo ng bansa
  • Ang pahayag ay kasunod ng positibong resulta sa ginawang COVID-10 test sa papaya at kambing
  • Sinabi ni Tanzanian Pres. Magufuli na susubukan ng bansa ang herbal mix na panlunas umano sa COVID-19 na ini-endorso ng Presidente ng Madagascar

Sinabi ni Tanzanian President John Magufuli na depektibo ang imported COVID-19 test kits bansa matapos magpositibo sa coronavirus ang swab samples na kinuha sa kambing at papaya.

Imahe mula sa Pixabay

Sa dinaluhang event sa Chato District sa northwestern Tanzania, sinabi ni Pres. Magufuli na may “technical errors” ang test kits na mula sa abroad. Hindi niya binanggit kung saang bansa galing ang sinasabing defective test kits.

Aniya, nang dumating ang mga test kits ay agad niyang inatasan ang mga secutrity forces na suriin ang kalidad ng mga ito. Kumuha sila ng ilang non-human samples kabilang ang kambing, tupa at pawpaw o papaya.

Ang mga non-human samples ay nilagyan nila ng pangalan ng tao at edad.

Ipinadala ang mga naturang samples sa mga laboratory sa Tanzania upang suriin sa coronavirus. Hindi ipinaalam sa mga laboratory technicians kung saan kinuha ang mga samples.

Ang samples mula sa papaya at sa kambing ay nagpositibo sa COVID-19, ayon kay President Magufuli.

Aniya, batay sa resulta ng kambing at papaya ay posible rin umano na ang ilang mga tao na nagpositibo sa coronavirus matapos gamitan ng nasabing test kit ay hindi naman talaga infected ng virus.

Imahe mula sa Ubuntu Times

“There is something happening. I said before we should not accept that every aid is meant to be good for this nation,” ani Pres. Magufuli na agad nag-utos na imbestigahan ang defective test kits.

Sinabi pa ni Pres. Magufuli na susubukan ng bansa ang herbal mix na panlunas umano sa  COVID-19 na ini-endorso ng Presidente ng Madagascar.