Health professionals, medical students hinihikayat na mag-volunteer bilang swabbers sa mega swabbing centers

  • Hinihikayat ng pamahalaan ang mga medical professionals, medical students at government workers na mag-volunteer ng serbisyo sa apat na mega swabbing centers
  • Target ng pamahalaan na magkaroon ang bansa ng 30,000 daily testing capacity sa katapusan ng Mayo
  • Ang isa sa apat na mega swabbing centers ay binuksan na ngayong ika-6 ng Mayo

Nanawagan ang pamahalaan sa mga medical professionals, medical students at mga kawani ng gobyerno na mag-volunteer ng kanilang serbisyo upang mapalakas ang testing capacity ng bansa.

Imahe mula sa National Policy Against COVID-19

Sinabi ni National Policy Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vivencio Dizon na kailangan ang maraming volunteers sa apat na mega swabbing centers upang mapabilis ang isinasagawang mass testing sa ilalim ng “Test, Trace and Treat” (T3) Program ng pamahalaan.

“Our goal is to create a capacity of 30,000 daily testing by May 30,” sabi ni Dizon.

Ang mga health professionals at medical students ay magsisilbing swabber sa swabbing centers. Kailangan din ng mga volunteer para magsilbing encoder, barcoder at iba pang gawain sa napakalaking operasyon sa apat na mega swabbing centers.

“Nagtawag na po tayo ng tinatawag nating clarion call. Ito ay panawagan sa lahat ng ating mga kababayan lalong-lalo na sa mga involved sa ating medical profession pati po ang nag-aaral kasi nagtawag na po tayo sa ating mga universities, para iheed ang call para sa mga swabbers at iba pang mga magbo-volunteer para po tulungan tayo dito sa ating napakalaking operation sa testing,” panawagan ni Dizon.

Imahe mula sa PCOO

Ngayong Miyerkules, ika-6 ng Mayo, ay binuksan nan g Department of health ang unang mega swabbing center – ang Palacio de Maynila sa Roxas Boulevard. Mayroon itong 65 swabbong booths na kayang magsagawa ng 1,000 swabbing tests kada araw.

Ang Philippine Coast Guard ang mamamahala sa naturang swabbing center kung saan may itinalagang mga medical technoligsts na magsasagawa ng swabbing tests.

Tatlo pang mega swabbing centers ang nakatakdang buksan ngayong buwan – ang Philippine Arena sa  Bulacan, Mall of Asia sa Pasay, at ang Enderun Tent sa Taguig.

Imahe mula sa National Policy Against COVID-19
Source :

PNA, Remate