Halos $1 million na napulot sa kalsada isinauli ng pamilyang nakapulot

  • Isinauli ng isang pamilya ang napulot na pera na nagkakahalaga ng halos isang milyong dolyar
  • Inakala ng pamilya na bag ng basura ang pinulot, ngunit nagulat nang makitang pera ang laman
  • Pinuri ng Sherrif’s Office ng Virginia ang katapatan ng pamilya

Pinuri ng sheriff’s office ng Virginia, United States ang isang pamilya na nagsauli ng dalawang mail bags na naglalaman ng halos isang milyong dolyar na natagpuan nila sa gitna ng kalsada habang bumibiyahe.

Screenshot mula sa video ng WTVR

Kuwento ni Emily Schantz, bumiyahe silang mag-anak para magtanggal ng lungkot at inip sanhi ng epekto ng COVID-19 outbreak nang matagpuan nila sa kalsada ang mail bags na naglalaman ng malaking halaga ng pera.

Naganap iyon noong nakarang linggo.

Ani Emily, nakita nila ang kotse sa harapan nila na iniwasan ang tila isang malaking bag ng basura. Aniya, hindi nila nagawang iwasan ang bag at nasagasaan nila iyon. Dahil ayaw nilang iwan ang basura sa gitna ng kalsada ay huminto sila at dinampot ang bag at inilagay sa likod ng kanilang truck.

Sa ‘di-kalayuan ay nakita nila ang isa pang bag at pinulot din nila iyon.

Kinagabihan pagdating nila sa bahay, nang itatapon na nila sa basurahan ang dalawang bag napansin nila na pera ang laman ng mga iyon na nakabalot sa mga plastic.

Screenshot mula sa video ng WTVR

“Inside of the bag, there were plastic baggies and they were addressed with something that said ‘cash vault,” sabi ni Emily.

Tumawag agad sila sa Sherrif’s office upang i-report ang napulot na malaking halaga. Naipadala na ang mga iyon sa United States Postal Service, na nagsasagawa na ng imbestigasyon.

“It’s really a credit to just the character and fiber of the family,” Moser said. “I’m sure it’d be difficult to make that decision. It’s almost $1 million in cash. But they did the right thing. We are proud and they represented this county well by being so honest,” sabi ni Major Scott Moser ng Caroline County Sheriff’s Office.

Wala namang bahid ng panghihinayang ang pamilya ni Emily.

“We did the right thing in returning. It didn’t belong to us,” sabi ni Emily.

Screenshot mula sa video ng WTVR
Source :

CNN, Bilyonaryo