Gutom sa biyahe? Tsuper may libreng pa-meryenda sa mga pasahero

  • Drayber na palaging may dalang libreng pagkain sa mga pasahero, nag-trending
  • Nakalagay sa karatula ng sasakyan, “Are you hungry? Please get some snacks. It’s free! May God strengthen you always”
  • Monchito Bueno: “‘Wag po kayong mag-alala dahil lagi po akong may reserbang meryenda”

Ikaw ba ‘yung uri ng pasahero na pakiramdam mo ay nagugutom ka at nais kumain habang nasa biyahe lalo na kung malayo ang pupuntahan? Solb ka kapag nasakyan mo ang isang pampasaherong dyip na mayroong libreng pagkain.

Image by Mia Bueno via Facebook

Ibinahagi ni Mia Bueno sa Facebook kamakailan ang isang dyip na mayroong biskuwit, tsitsirya, kendi at iba pang makakain sa likod ng driver’s seat nito.

Ani Mia, Monchito Bueno ang pangalan ng tsuper na may dala-dalang pagkain sa sasakyang minamaneho at ang maganda pa rito ay hindi ito ibinebenta kundi libre para sa mga pasahero.

Naka-imprenta sa isang tinuping bondpaper kalapit nito ang mensaheng, “Are you hungry? Please get some snacks. It’s free! May God strengthen you always. The world needs more HEROES like you.”

Makikita rin sa sasakyan ang isang talata mula sa Bibliya, “”For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Dahil dito, kapsyon ni Mia sa kanyang post, “Do small things with great love. I want to honor you, Monchito Bueno, for always looking for ways to make your service/work of great excellence and love. May the Lord protect you always.”

Image by Mia Bueno via Facebook

Umani naman ng magagandang komento at papuri ang ginawa ng tsuper. Habang ipino-post ito, nakaabot na sa higit 26,000 reaksyon at nasa 32,000 pagbabahagi ang post.

Sabi ng isa, “Nakakataba ng puso kapag may nakikita akong ganito na handang tumulong nang walang kapalit. Saludo po ako sa inyo, sir. God bless you po at sa family mo.”

Komento naman ng isa, “To God be the glory.”

Makikita rin sa komento ang mensahe ng pasasalamat ni Monchito sa papuring natatanggap, “‘Wag po kayong mag-alala dahil lagi po akong may reserbang meryenda.”

Dagdag pa niya, “Let us always give hope and spread love. Sometimes, life can be bad but God is always good. Praise be upon him.”

Mabuhay ang mabuting drayber!

Image by Mia Bueno via Facebook
Source :

Facebook