Foreign investors dapat hikayatin na mamuhunan sa mga probinsya – Sen. Bong Go

  • Bong Go nanawagan sa pamahalaan na manghikayat ito ng foreign investors na mamumuhunan sa mga probinsya
  • Marami ang mabibigyan ng hanapbuhay at trabaho kung maraming papasok na negosyante sa mga probinsya
  • Maraming mahihikayat na magbalik-probinsya kung may trabaho at ikabubuhay sa mga kanayunan

Nanawagan si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa gobyerno na dapat itong manghikayat ng mga foreign investors upang mamuhunan sa bansa, partikular na sa mga probinsya, upang masuportahan ang implementasyon ng “Balik-Probinsya Program.”

Imahe mula sa Office of Senator Bong Go

Ang Balik-Probinsya Program ay naglalayon na ma-decongest ang Metro Manila at mapalakas ang pag-unlad ng mga kanayunan.

“Dahil po sa problemang dulot ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa sa mundo, marami pong mga negosyo ang nagnanais pumunta sa mga bansang may mas murang production costs at skilled workforce,” anang senador.

Isa umano itong magandang oportunidad na dapat sunggaban ng Pilipinas.

“Oportunidad rin ito para sa Pilipinas upang mahikayat ang mga negosyo na dito na lamang mamuhunan sa ating mga probinsya sa Pilipinas. Magiging daan din po ito upang makapaghanda tayo sa implementasyon ng ‘Balik Probinsiya’ program at mapalakas ang regional development,” aniya.

Katwiran ni Senator Bong Go, marami ang mabibigyan ng hanapbuhay at trabaho kung maraming papasok na negosyante sa mga probinsya. Hindi na nanaisin ng marami na lisanin ang mga kanayunan kung mayroon sila doong ikabubuhay.

Imahe mula sa Kuya Bong Go website

Hindi na nila nanaisin pang bumalik sa Metro Manila upang maghanap ng trabaho.

“Bukod sa gusto nating umuwi sa probinsya ang mga Pilipino mula sa mga siyudad, tulad ng Metro Manila, isa sa mga layunin ng proposed na ‘Balik Probinsya’ program ang pagsigurong handa at kaaya-aya ang mga probinsya para sa mga bagong negosyong ipapatayo ng mga mamumuhunan,” aniya.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Acting National Economic and Development Authority (NEDA) Director-General and Socio-economic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na bigyan ng tax incentives ang mga negosyanteng mamumuhunan sa mga probinsya.

Imahe mula sa PNA