Duterte naghahanap na ng ipapalit kay DOH Secretary Duque?

  • Pangulong Rodrigo Duterte, naghahanap na nga ba ng ipapalit kay DOH Secretary Francisco Duque III?
  • Sinabi ni Spokesperson Harry Roque na may kakayahan ang pangulo para magtanggal ng miyembro ng Gabinete
  • Nabahiran ng kontrobersiya ang pamamahala ni Duque sa kalusugan ng bansa dahil sa diumano’y “overpriced” na medical equipment

Naghahanap na umano si Pangulong Rodrigo Duterte ng ipapalit kay Francisco Duque III bilang kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH).

Ito’y makaraang madawit ang Health Secretary sa ilang kontrobersiya na may kinalaman sa kanyang pamamahala sa kalusugan ng mamamayan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa UNTV

“I understand the President is now looking around for somebody to replace Duque,” sabi umano ng ‘source’ ng Philippine Star.

Nasabi naman ng isa pang “source” na sa lalong mabilis na panahon ay kinakailangan nang gumawa ng hakbang ang pangulo.

Sagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mayroong kakayahan ang pangulo na palitan ang sinumang miyembro ng Gabinete oras na mawalan na ito ng tiwala sa kanya.

Pero paglilinaw niya, hindi pa niya makumpirma kung totoong papalitan na si Duque.

Ilang beses nang kinukuwestiyon ang kakayahan ni Duque sa pamamahala sa kagawaran habang dumaranas ng krisis ang bansa. Kabilang na dito ang pagsabing nasa “second wave” ang Pilipinas at ang sinasabing “overpriced” na medical equipment.

Ayon kay Senator Francis Pangilinan, isang mas epektibong lider sana ang papalit dito.

“Ang papalit kung sakali man hindi dapat pinupulitika at nababahiran ng pangungurakot o overpricing ang mga programang pangkalusugan at kaligtasan ng taumbayan sa gitna ng pandemya.”

Sabi naman ni Senator Panfilo Lacson, kinakailangan nang mag-resign ni Duque bilang sakripisyo para sa higit 868 na namatay at 14,035 na nagpositio sa COVID-19.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Ping Lacson

“Those people who did not even have the chance to be tested so they can be treated properly and not die in vain deserve an equal opportunity to be attended to by our health authorities.”

Binanggit din niya ang kawalan ng contact tracing at iba pang pagkukulang na lalong nagpalala sa pagkalat ng COVID-19.

Imahe mula sa PNA