Demand para sa Philippine abaca tumaas dahil sa COVID-19 pandemic

  • Demand sa Philippine abaca tumaas dahil ginagamit na raw material sa paggawa ng PPE
  • Napakaangkop ng abaca na gawing medical fabric dahil sa porous fibers nito
  • Habang wala pang COVID-19 vaccine ay bilyun-bilyong face masks ang kakailanganin sa buong mundo

Bunsod ng kakulangan sa isa sa napakahalagang gamit sa COVID-19 response ng mga bansang apektado  ng health crisis – ang personal protective equipment (PPE) – ay tumaas ang demand sa raw material na nakukuha mula sa isang uri ng banana plant na tinatawag na Musa Textilis.

Imahe mula sa PhilFIDA

Ang nasabing raw material ay walang iba kundi ang abaca; isa sa mga nangungunang produkto na iniluluwas ng bansa.

Dahil sa COVID-19 pandemic, lahat halos ng bansa sa buong daigdig ay nangangailangan ng mga PPE na magagamit ng mga health frontliners kaya lumobo ang demand para sa Philippine abaca.

“Before COVID-19, face masks, gowns, shoe covers, head covers and PPE only represented less than 1 percent of the total annual abaca production in the Philippines,” pahayag ni Kennedy Costales, ang executive director of the Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA).

Ani Costales, napakaangkop sa paggawa ng medical fabric ang abaca dahil sa “porous fibers” nito. Dahil dito ay naging napakahalagang produkto ito sa ginagawa ng mga gobyerno sa buong mundo na pigilan ang pagkalat ng COVID-19 nang walang vaccine at ang gamit lang ay face masks at PPE.

Imahe mula sa PhilFIDA

“With the new normal, demand for face masks will spike exponentially worldwide. PPE are just one of the hundred end products of the precious abaca plant,” aniya.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang nagsu-supply ng 87% ng pangangailangan sa abaca ng buong mundo. Ang demand nito ay patuloy na tumataas dahil ito ay renewable, sustainable at biodegradable.

Sinabi rin ng PhilFIDA  na ang abaca ang kasagutan sa “Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program” na isinusulong ni Senator Bong Go at ng pamahalaan. Maaaring ang abaca plantation ang gawing pangkabuhayan ng mga mamamayang magnanais magsibalik sa probinsya.

Imahe mula sa PhilFIDA

“You plant it once, take good care of it until it matures from 18 -24 months depending on its variety and harvest is every 3 to 4 months thereafter for the next 40 to 50 years without replanting,” ayon sa PhilFIDA.

Napakaraming pinaggagamitan ang abaca, kabilang na rito ang paggawa ng tea bags, sausage casings, condenser papers, capacitor papers, currency notes, bank notes, security papers, stencil papers, coffee filters, cigarette papers, bible papers, mimeographing papers, tissue papers, grocery bags, vacuum bags, fish nets, automobile composites at wall paper.

Ginagamit din ito sa cosmetics, soap, shampoo, conditioner, moisturizing cream, lotion at iba pang skin care applications.