Davila nanalangin ng himala matapos sabihin ni Katigbak na magtatanggal ng empleyado ang ABS-CBN

  • Nanalangin si Karen Davila na magkaroon ng himala para hindi na magtanggal ng empleyado ang ABS-CBN
  • Davila: “Praying for all our employees. Praying for a miracle”
  • Nalulugi kasi ang ABS-CBN ng P35-milyon araw-araw simula noong ipasara ito

Nanalangin ang beteranong mamamahayag ng Kapamilya channel na si Karen Davila para magkaroon ng himala at hindi dumating sa puntong magtanggal ng empleyado ang ABS-CBN.

Image by Karen Davila via Instagram

“My heart bleeds. Praying for all our employees. Praying for a miracle,” ang post ni Davila sa Twitter na nilakipan ng video ng isinagawang pagdinig noong May 19 ukol sa ABS-CBN franchise.

Nasabi kasi ni ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak sa pagdinig ang posibleng pagtanggal ng mga empleyado ng network sa Agosto sakaling hindi pa sila makabalik sa ere.

Umaabot umano sa P35-milyon ang arawang lugi mula nang ipinasara ang network noong May 5, 2020.

“Your honor, when we’re taken off the air on May 5th, we made our commitment to our employees given the difficult economic situation following COVID-19, we made a commitment to them that we would not take away any jobs for three months,” bahagi ng pahayag ng ABS-CBN President.

Matatandaang sinabi ni Katigbak noon na patuloy pa ring makatatanggap ng sahod ang kanilang mga empleyado dahil alam nila na mahirap ang maghanap ng trabaho sa bansa lalo na at may kinakaharap tayong COVID-19 pandemic.

Pero, saad ni Katigbak, maaaring hindi na kakayanin ng istasyon na ituloy ang pagbabayad sa mga empleyado dahil sa kadahilanang pinansyal. Sakaling mapagbigyan sila kahit sa five-month provisional permit ay agaran silang sasahimpapawid para makabawi.

Sa kasalukuyan ay mayroong 11 bills na nakabinbin sa Kongreso para mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Image Capture of Video by ABS-CBN

Maging sa Instagram ay nag-post din si Davila, “My heart bleeds. “Sa lahat ng mga kasama kong empleyado, talents & artists ng ABSCBN, let us not lose hope. Keep the FAITH. Stay STRONG.

“Sana, hindi dumating sa pagkakataon na kailangang magtanggal ng mga empleyado ang ABSCBN dahil wala ito sa ere. Isang mahigpit na yakap at dasal para sa ating lahat #may192020.”

Image by Karen Davila via Twitter
Source :

PEP, MMV, Inquirer