Asong napasayaw sa tunog ng hinahasang kutsilyo, naghatid ng good vibes

  • Maituturing nga talagang stress busters ang ating mga alagang hayop
  • Sa mga simpleng gestures nila ay nakapapawi sila ng lungkot at pagkabagot
  • Kagaya ng video ng isang aso na tila sumasayaw habang pinakikinggan ang tunog ng hinahasang kutsilyo na kinaaliwan naman sa social media

Malaking parte na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga alagang hayop dahil malaki ang naitutulong nila sa araw-araw na pamumuhay. Isa na sa mga ito ang mga pet animals, partikular na ang mga aso.

Ayon sa isang artikulo mula sa National Center for Health Research, may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang mga taong may alagang hayop ay may mas malusog na puso, hindi madaling ma-homesick, hindi sakitin, mas madalas na nakakapag-exercise at mas malayo sa depresyon.

Imahe mula sa Freepik

Some research studies have found that people who have a pet have healthier hearts, stay home sick less often, make fewer visits to the doctor, get more exercise, and are less depressed.’

Maituturing nga talagang stress busters ang ating mga alagang hayop. Sa mga simpleng gestures nila ay nakapapawi sila ng lungkot at pagkabagot. Kagaya ito ng video na ini-upload ni Lotlot Morales sa kanyang Facebook page kung saan makikita ang kanyang aso na si Coco na tila sumasayaw habang pinakikinggan ang tunog ng hinahasang kutsilyo ng kanyang amo.

Imahe mula sa Facebook| Lotlot Morales

Maraming Facebook users ang naaliw sa animo ay dance moves ni Coco na tumutugma sa bawat lag-is ng kutsilyo sa hasaan.

Cute‘ ang sabi ng marami. Baka raw inakalang beatbox ang naririnig. Mayroon naman na nais itong gayahin, ngunit may ilan din naman na nagbigay ng babala para sa mga pet owners. Posible daw kase na hindi talaga sumasayaw ang aso, at sa halip ay nangingilo dahil sa matinis na tunog ng hinahasang kutsilyo.

Imahe mula sa Facebook| Lotlot Morales

Nakaaaliw naman talagang panoorin ang mga pet natin lalo na’t sa mga simpleng kilos nila ay napapangiti tayo lalo na kung sa bawat araw na nakakasama natin sila ay may mga bagong tricks silang ipinapakita.

Ayon sa Discover Magazine, ang utak ng aso ay maikukumpara sa utak ng batang nasa dalawa hanggang dalawa’t kalahating taong gulang. Ito marahil ang dahilan kung bakit playful at active ang ating mga alaga dahil kung ihahalintulad sa isang bata, ang ganoong edad ay panahon ng kalikutan at kabibuhan nila.