Anim na probinsya handa na sa pilot testing ng Balik Probinsya Program – Sen. Bong Go

  • Anim na probinsya ang nakahanda na sa pilot testing ng Balik Probinsya Program
  • Ang Leyte, Zamboanga del Norte, Lanao del Norte, Bukidnon, North Cotabato, at Camarines Sur ay handang makilahok sa pilot phase ng programa
  • Sinabi ni Senator Bong Go na boluntaryo lang ang Balik Probinsya Program at hindi sapilitan

Nagpahayag na ng kanilang kahandaan ang anim na probinsya  para sa pilot testing ng “Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program,”  ayon kay Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Bong Go

Natuwa ang senador nang ipaalam sa kanya ng National Housing Authority (NHA) general manager na si Marcelino Escalada, Jr. at ng Mindanao Development Authority Secretary Manny Piñol na ang Leyte, Zamboanga del Norte, Lanao del Norte, Bukidnon, North Cotabato, at Camarines Sur ay handang makilahok sa pilot phase ng programa.

Natutuwa ako na may mga provinces na po na nagsabing handa na para sa pilot testing. Nagpapasalamat ako sa mga gobernador ng mga probinsya sa paghanda ng kanilang mga lugar upang magtanggap ng kanilang mga kababayan na gusto nang umuwi. Ang mga ahensya ng gobyerno ay nakikipag-coordinate sa LGUs para malatag na ang mga protocols at proseso sa pagbalik nila,” pahayag ni Senator Bong Go.

May na-identify na umano ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 3,000 indibidwal na nais makibahagi sa Balik Probinsya Program.

Tutulungan din ng DSWD ang mga manggagawa na na-stranded sa Metro Manila dahil sa enhanced community quarantine na makabalik sa kani-kanilang probinsya.

Imahe mula sa DILG

“Para sa mga gustong umuwi na ngayon, may nakahanda nang protocols daw ang gobyerno para siguraduhin na ligtas ang pagbiyahe at hindi ito magdudulot ng lalong pagkalat ng sakit. May transportation assistance at transitory package na ipapamahagi,” sabi pa ni Sen. Bong Go.

Tutulungan din ng Department of Trade and Industry ang mga magsisibalik sa mga probinsya na makapagsimula ng sariling negosyo sa pamamagitan ng Negosyo Serbisyo sa Barangay Program ng ahensya.

Nauna nang sinabi ni Senator Bong Go na boluntaryo lang ang Balik Probinsya Program at hindi sapilitan.

Imahe mula sa DTI
Source :

PNA