46 barangay chairman sa Maynila pinaiimbestigahan sa maanomalyang pamamahagi ng relief assistance

  • 46 barangay chairman sa Maynila inireklamo ng mga residente kaugnay ng mga iregularidad sa relief distribution
  • Pinagpapaliwanag ni Mayor Isko Moreno ang mga kapitan ng barangay
  • Ang mga barangay chairman na binasanggang “kupitan” ay mula sa anim na distrito ng Maynila

Pinaiimbestigahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang apatnapu’t anim na kapitan ng barangay na inirereklamo ng mga residente dahil sa iregularidad sa pamamahagi ng relief assistance ng Lungsod ng Maynila kaugnay ng COVID-19 health crisis.

Screenshot mula sa Manila PIO video

Ang mga barangay chairman na binassangang “kupitan” ay mula sa anim na distrito ng Maynila.

Kabilang sa mga reklamo ay ang binawasang relief goods, nawawalang spaghetti with sauce na pinalitan ng instant mami,  cash aid na hindi ibinigay at marami pang iba.

“Forty six na barangay chairmen ay binigyan po ng show cause order base po sa inyong mga complaints,” pahayag ni Mayor Isko sa isang video.

Ang isa sa labis na ikinagalit ng alkalde ay ang ginawa ng isang kapitan na isinama sa listahan ng mga nabigyan ng ayuda ang taong matagal nang namaalam sa mundo at may kalakip pa itong pirma na nagpapatunay umano na natanggap nito ang ayuda.

“May mga nagrereklamo din na ‘yung spaghetti at sauce naging mami o sardinas na lang o wala at all. Wala talaga silang karapatang gawin ‘yun dahil nakalaan ‘yun sa tao,” ayon pa sa alkalde.

Imahe mula sa Manila PIO

May mga senior citizens din na nagreklamong hindi nila natanggap ang ipinamahaging gatas para sa kanila at ang P1,000 naman para sa bawat pamilya sa ilalim ng City Amelioration Crisis Assistance Fund o CACAF ay ginawang P500 lang.

Sa pamamagitan ng show cause order ay inatasan ang ma inireklamong barangay chairman na magpaliwanag sa loob ng tatlong araw kung bakit hindi sila dapat kasuhan sa ginawang paglabag sa Republic Act 11469 o Bayanihan We Heal As One Act at Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Imahe mula sa Manila PIO
Source :

Remate, YouTube