Nakaaantig na eksena ang panawagan ng isang ama para sa anak na may sakit na kailangang malagyan ng NGT

  • Sa isang Facebook Live video ay isang ama ang nagsumamo sa mga doktor at ospital para sa kanyang anak na may sakit
  • Ayon sa ama ng bata ay kailangan malagyan ng NGT ang bata upang makakain at makainom ng gamot
  • Ang tagpong ito ay umantig sa mga netizens na agad namang nag-viral

Isang netizen ang nagpahayag ng kanyang madamdaming panawagan gamit ang Facebook liveSa video ay makikita ang isang batang nakasuot ng mask habang nakasandal sa kanyang ina. Samantala, ang kanya namang ama ay nanawagan sa mga doktor at ospital na lagyan ng NGT ang kanyang anak.

Imahe mula sa Facebook | Bern Nipales

“Wala man lang ospital na tumatanggap sa’min dito. Anong nangyayare? Lalagyan lang ng NGT ang anak ko. Para NGT lang, lalagyan lang si Chuchay ng NGT, di kami tinatanggap kahit sang ospital. Anong nangyayare? Parang awa n’yo tanggapin n’yo anak namin… Nagmamakaawa kami sa mga ospital dyan. Lalagyan n’yo lang ng NGT ang anak ko para makainom ng gamot. Pag hindi nalagyan ng NGT to hindi makakainom ng gamot to”

Imahe mula sa Facebook | Bern Nipales

Ang tagpong ito ay dumurog sa puso ng mga netizens at agad din na nag-viral.

Ayon sa ama ng bata na si Bernard “Bern” Nipales na taga Biñan, Laguna ay hindi sila tinatanggap sa mga ospital, ngunit laking pasasalamat niya nang may doktor na tumugon sa kanilang panawagan nang sila ay dumating sa Biñan Doctors Hospital.

Sa kanyang post sa Facebook, ipinaabot ng ama ni Bernzyrylle “Chuchay” Nipales ang kanyang pasasalamat sa nasabing ospital dahil agad daw nilagyan ng NGT ang kanyang anak.

Ayon sa kanya ay halos 12 oras na itong hindi nakakakain at nakakainom ng gamot dahil sa natanggal nga ang NGT nito na siya sanang dadaanan ng pagkain at gamot ng batang si Chuchay.

Imahe mula sa Facebook | Bern Nipales

Ang batang si Chuchay ay ang batang naitampok sa Balita DF nito lamang Pebrero. Siya ang batang ayon sa kanyang pamilya ay big fan ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza. Ang batang ito ay sinadya pa ni Alden sa Philippine General Hospital kung saan siya ay nakaconfine nang mga panahong iyon.