Mga hakbang na ginagawa ng mga supermarkets para sa mas ligtas na pag-shopping ng customers

  • Dahil sa kumalat na maling balita na may nahawahan ng COVID-19 dahil sa groceries ay marami ang nangambang magtungo sa mga supermarkets
  • Pinabulaanan ng PGH ang kumalat na balita
  • Gumawa ng hakbang ang mga malalaking supermarkets upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga suking mamimili

Pahirapan na ang pamimili ng mga pangunahing pangangailangan dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic kung saan ang operasyon ng public transportation ay sinuspinde.

Imahe mula sa The Star

Bukod sa suspensyon ng public transportation, dumagdag pa sa alalahanin ng publiko ang kumalat na maling balita na may mga taong nahawahan umano ng coronavirus disease dahil sa pamimili sa supermarkets at grocery store.

Marami ang nagkaroon ng agam-agam na magtungo sa mga supermarket at iba pang pamilihan dahil sa kumalat na balita.

Pinabulaanan naman ng Philippine General Hospital (PGH) ang maling balita na may mga kaso ng COVID-19 dahil sa mga groceries. May bahid man ng katotohanan ang pahayag ng PGH, marami pa ring nangangamba na mahawahan ng virus kapag nagtungo sa mga pamilihan kaya ang iba sa kanila ay piniling bumibili ng mga pangangailangan sa pamamagitan ng mga online delivery services.

Subalit dahil sa delayed deliveries, walang available stocks at mahinang internet connection, walang magawa ang publiko kundi magtungo sa mga supermarket sa kabila ng kanilang mga pangamba.

Imahe mula sa PGH

Gumawa naman ng hakbang ang mga malalaking supermarkets upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga suking mamimili.

Narito ang ilan sa sa kanila:

Ang SM Markets ay magpatupad ng mahigpit na social distancing sa lahat ng kanilang outlets. May libreng rubbing alcohol na magagamit ng mga customers.

Imahe mula sa SM Markets

Sa Landmark, nilimitahan ang bilang ng mga customers na maaaring pumasok ng sabay-sabay sa loob ng supermarket. Ang iba ay kailangan munang maghintay sa labas habang hinid nababawasan ang tao sa loob.

Sa S&R Membership Shopping, ang bawat shopping pushcart ay dini-disinfect bago gamitin ng mga customer. Ang sahig sa loob ng supermarket ay ginagamitan ng floor scrubber na may disinfectant. May mga rubbing alcohol at hand sanitizers sa paligid na maaaring gamitin ng mga mamimili.

Imahe mula sa Landmark/S&R

Mahigpit namang ipinatutupad sa Rustan’s Supermarket at UniMart Greenhill sang pagsusuot ng face masks at ang social distancing.

Imahe mula sa UniMart Greenhills/Rustan’s
Source :

ABS-CBN, Facebook